CHAPTER 37 “PARANG AWA mo na Thanatos! Hindi ito ang pinag-usapan natin!” sigaw ni Miya nang tumindig siya matapos na idapo ng kawal ang mainit at nagbabagang bakal sa tagiliran ni Heron. “Huminahon ka aking Mahal na Prinsesa. Ititigil natin ‘to kapag pumayag na ang mga kaibigan mong inumin ang banal na itim, at ilalayo ko sa kaniya ang nagbabagang bakal at palalayain ko sila ni Sabir,” malumanay na pagsagot ni Thanatos dito ngunit hindi pa rin sang-ayon si Miya. Ayaw niyang mapahamak ang mga kaibigan niya lalong lalo na si Heron. Nag-alalang umupo na lamang si Miya at walang magawang panuorin ang mga kaibigan niyang naghihirap sa harapan niya. “Ngayon tatanungin ko kayo, Nikolas at Jiyeon. Tinatanggap mo ba ang banal na itim?” tanong ni Pilato sa dalawa. Umiling na lamang si Heron n