CHAPTER 30 “PAKAWALAN niyo ako!” sigaw ni Miya matapos siyang igapos ng halimaw sa upuan. Ilang sandali pa ay dumating si Thanatos kasama ang ilang mga katiwalang halimaw. Ngumiti ito nang matantuang nahuli nila si Miya. “Magaling ang ginawa niyo, Pilato. Daan ito para kusang pumunta dito si Heron,” kumpyansang wika ni Thanatos sa kanila. “Kailanman ay hindi kayo magtatagumpay, Thanatos! Nakasaad sa propesiyang mas malakas si Heron sa lahat ng nilalang sa planet Zeta,” galit na wika ni Miya dito. Binaling ni Thanatos ang tingin niya dito at napangiwi. “Hindi niya ako matatalo, Miya. Nasa’n ngayon ang sinasabi mong malakas na nilalang? Ni hindi nga niya kayang ilabas ang kapangyarihan niya. Heh. Walang makakapigil sa prinsipe ng kamataya’t kadiliman,” wika ni Thanatos pagkuwan ay naka