CHAPTER 31 “ITONG langis ang magtatanggal ng amoy niyo laban sa mga halimaw,” ani ng matandang lalaki nang ipakita niya ang isang garapong kulay kayumangging langis. “You mean ipapahid namin ito sa katawan namin?” tanong ni Jiyeon habang tinuro niya ang hawak na garapon ng matanda. “Oo. H’wag kayong mag-alala dahil walang amoy ito at hindi niyo masyadong mararamdamang pumahid kayo ng langis,” tugon ng matanda pagkuwan ay binuksan niya ang garapon at pinaamoy kay Jiyeon. Nang maamoy ni Jiyeon ay napataas ito ng kilay dahil totoong walang amoy ito. “Paano mo nalaman ang ganitong bagay?” curious na tanong ni Heron. “Oo nga. Saan niyo nakuha ang langis na ‘yan? Paano mo ginawa?” sunod na tangon ni Sabir dito. “Nagtaka kasi ako noon no’ng hinahabol ako ng mga halimaw pauwi dito ay bigla n