CHAPTER 32 “HINDI ko kilala ang pangalang Hydrangea, pero baka nakita ko na ‘yon. Bakit ba natanong mo, Nikolas?” Mga ilang segundo pa ang dumaan bago nagsalita si Nikolas sabay napatingin sa matanda. “Ano po kasi, General. Natuklasan ng matandang kasama namin ngayon na puwedeng panlaban ang Hydangea sa mga halimaw. Malakas ang pang-amoy ng mga halimaw at kapag gagamitin nating pangpahid ang Hydrangea oil ay hindi na tayo maaamoy ng mga halimaw,” salaysay ni Nikolas dito. Dahil naka-loud speaker si General Elias ay narinig nina Alexa at Wayden ang sinabi ni Nikolas. “Hydrangea oil?” taas kilay na tanong ni Alexa sa sarili. Napaisip nang malalim si Alexa habang hinahanap naman ni Wayden sa internet ang pangalan na ‘yon. “Found it,” ani Wayden pagkuwan ay pinakita sa kanila ang litrat