Chapter 67

764 Words

SAMANTALA, dahil sa lakas ng pagbalibag ng dalawang zombie sa pinto ng laboratory ay hindi na kinaya ni Xavier na hawakan nang mahigpit ang door knob hanggang sa nabitawan niya ito. Nang mabuksan ng dalawang zombie ang pinto ay agad na tinulak ng dalawang kararating lang na sundalo iyon. Bumuga ng hangin si Xavier dahil naibsan ang takot niya pagdating ng mga sundalo. “Mabuti’t nakahabol kayo? Baka katapusan ko na kung hindi kayo dumating,” ngiting wika ni Xavier saka dinaan niya sa marahang pagtawa kahit kabado siya sa mangyayari. “Kami na po ang bahala dito, Sir Xavier,” wika ng sundalo saka tanaw ni Xavier na may nilabas na isang kahoy at martilyo pagkuwan ay pinukpok ang pinto. Habang pinagmamasdan ni Xavier ‘yon ay unti-unting nakagawa ng malaking butas ang zombie sa pinto hanggang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD