NAPABUNTONG-HININGA na lamang si Xavier matapos siyang sagutin ng bata pagkuwan ay nasalita siya. “H’wag kang magsalita ng ganiyan, Abby. Sigurado akong hindi matutuwa ang Papa mo kung susuway ka sa sinasabi ko. Alam ko kung gaano kasakit ang mawalan ng mahal sa buhay no’ng namatay ang pinakamamahal kong lola. Iniwan ako ng mga magulang ko sa kaniya dahil sa trabaho. Lumaki akong walang mga magulang at tanging si lola lang ang nag-alaga sa akin. May sakit na lung cancer si lola pero hindi ko matanggap ang pagkamatay ni lola no’ng maaksidente siya sa daan. Bata pa ako no’n at parang naging ulila ako gaya mo matapos mangyari ‘yon. Pero hindi ako nawalan ng pag-asa dahil may natitira pang nagmamahal sa akin, ‘yon ang mga magulang ko. Kaya h’wag ka nang malungkot. Katulad ng lola ko, no’ng m