CHAPTER 42 “NIKOLAS, JIYEON. Tama na. Alam kong naririnig niyo ako kaya sana naman pakinggan niyo ako. Ayokong makalaban ko ka’yo. Mga kaibigan ko kayo at hindi ko hahayaang masktan ko kayo pareho,” naiiyak na sambit ni Heron dito sa mga halimaw niyang kaibigan. Walang pagsalang sumugod si Nikolas sa kaniya ngunit mabilis na nakailag si Heron. Di kalaunan ay biglang nanghina ang katawan ni Heron dahil sa naramdamang kirot sa tagiliran niya. Lumapit si Nikolas pagkuwan ay marahas na niyakap niya sa likod si Heron. Napahiyaw sa sakit si Heron at gusto niyang makawala dito ngunit di niya magawa. “Lumayo ka sa akin, Nikolas!” sigaw na wika niya dito. Malakas na hiyawan ang narinig ni Heron sa buong paligid niya na gusto ng mga manunuod na tapusin na ang laban. Dahil sa mahigpit na pagyaka