CHAPTER 43 NANG MAGPAKITA si Goddess Tala sa kulungan nina King Cadmus at Queen Hermonia ay agad siya nagsalita tungkol sa pakiusap ni Miya sa kaniya. “Tinawag ako ni Miya para tulungan kayo,” ani Goddess Tala kaya napangiti ang Mahal na Reyna sa pagdating nito. “Maraming salamat, Goddess Tala sa pagtugon mo kay Miya. Malaki ang utang na loob namin sa’yo,” pasalamat na wika ni Queen Hermonia. Ngumiti si Goddess Tala saka ito sumagot. “Ikinalulugod kong maging kasangkapang tumulong sa inyo para mailigtas ang Planetang Earth,” ani Goddess Tala saka lumitaw sa harap nila ang portal papuntang Earth. “Ano gagawin niyo para gumana ang kapangyarihang Kintana?” tanong ni Goddess Tala sa kanila kahit alam niya ang sagot. “Ibibigay namin ang natitira naming kapangyarihan kay Jiyeon. Siya na l