CHAPTER 44 “MIYA! Nasa’n ka?” sigaw ni Heron habang hinahanap niya ito. Nakailang bukas na siya ng kuwarto ngunit bigo siyang mahanap ‘yon. Di kalaunan ay biglang may lumapit sa kaniyang isang babae na may suot na apron. “H-Heron?” nauutal nitong bigkas sa pangalan niya. “S-Si Miya po ba ang hinahanap mo?” tanong muli ng babae sa kaniya kaya tumango si Heron. Paano kilala ng babaeng ito si Miya? Mukhang nagt-trabaho ito kay Thanatos. “H’wag kang matakot sa’kin, Heron dahil ililigtas ko kayo ni Miya. Halika sundan mo ako. Andito ang kuwarto ni Miya.” Nagsimulang maglakad ang babae ngunit hindi maigalaw ni Heron ang mga paa niya dahil wala siyang tiwala dito. Lumingon ang babae sa kaniya saka ito lumapit. “Ano pang ginagawa mo? Tara na? Ayaw mo bang iligtas si Miya?” Nang marinig ni