CHAPTER 46 NAGMADALING tumakbo sina Heron palabas ng Tore ni Babel ngunit bigla silang napahinto nang hinarangan sila ng mga kawal. “Huliin niyo sila!” sigaw ng kawal nang makasalubong sina Heron sa daan. Agad nang lumiko sila sa ibang daan hanggang sa makalabas sila ng tore. Ilang sandali pa ay biglang lumitaw sa harap ni Heron ang imahe ni Thanatos. Kalmado itong nginitian sa kaniya. “Kahit anong gawin niyo, hindi kayo makakatakas sa kaharian ko.” Nagsalubong ang dalawang kilay ni Heron saka siya nagsalita. “Hindi mangyayari ‘yon, Thanatos. Pinatay mo kaibigan ko at hindi ko hahayaang maulit ‘yon!” Lumunok ng laway si Miya nang magtama ang mga mata nila ni Thanatos. Kailangan niyang gumawa ng paraan na makatakas ang mga kaibigan niya, kaya mabilis siyang lumapit kay Thanatos dala