NARDING POV
Kinabukasan ay wala akong nagawa kundi ang ikwento kina Bart at Cookie yung tinig na gumugulo sa aking pagtulog. Habang patagal kasi ng patagal ay tila pagulo na ito ng pagulo kaya't minabuti ko na ring ipagtapat sa kanilang ang bawat detalye ng aking mga nararanasan. Hindi naman ako nabigo dahil naunaawan naman nila ako bagamat may mga bagay na nagbigay ng malaking pagkalito sa kanila.
"Agartha? May ganon ba talaga? Hindi ba't ito ay isang konsepto lamang na ayon kuno sa mga espesyalista ay mayroon daw iba pang mundo sa gitnang layer ng ating planeta," ang wika ni Cookie habang nag sesearch sa internet.
"Paano? Hindi ba't elementary pa lang ay itinuturo na sa atin yung mga layers ng mundo mula sa Earth crust, mantle, outer at inner core? Paano magkakaroon ng mundo dito?" tanong ko naman.
"Kung may Atlantis ay mayroon ding Agartha, isa daw itong uri kaharian na nasa hollow Earth. Ewan, malay natin may ibang daan patungo dito. May nabasa akong article dati na mayroon daw talagang hollow Earth. Katulad na lamang nung pangyayari sa Woolpit Suffolk sa England noong 12th century. Mayroon daw nakita ang mga taga doon na dalawang batang kulay berde ang balat kaya tinawag silang "green children". Ayon sa mga batang iyon ay galing sila sa isang mundo sa ilalim ng lupa. Sabi ng iba ay galing daw sila sa Agartha o sa Inner Earth. Pero ito ay parang folklore lang sa kanila ah. Teka hahanapin ko yung article," ang paliwanag ni Bart.
"Oo nga, berde nga sila. Karaniwan ganyan ang kulay ng balat kapag hindi nasisinagan ng direktang araw. Maaari kayang sa ilalim sila ng mundo nagmula? Ayoko naman yata maging taga doon dahil hindi naman pang planet Nemic ang beauty ko noh!" ang hirit ni Cookie.
Natawa ako, "siguro nga mayroong ganyan, sa dami ba naman ng mundong napuntahan ko halos pabalik balik na lang ako sa past at sa future kaya wala na ring imposible," ang wika ko naman sabay upo at napabitiw na lang ako ng malalim na buntong hininga.
"So ang conclusion ay hahanapin natin iyang mysterious element na iyan in to the unknown? Ahhh ahhhhh, aahh ahhhh! Into the unknown! Into the known!! Ang lakas maka Elswa!" ang pagkanta ni Cookie.
Habang nasa ganoong posisyon kami ay napalingon kami sa telebisyon kung saan nakalive ang news tungkol kay Black Bird. Mukhang mahilig talaga sa publicity ang isang ito, sa lahat sa superhero siya lang yata ang mayroong fan page at nag papa follow sa social media. Gumagawa rin siya ng kung ano anong content para sa kanyang mga fans. Pero kung ikukumpara naman sa mga PH Warriors ay halos may K naman ang isang ito. Dahil legit siyang nakakalipad at legit na malakas ang kanyang katawan dahil nakakabuhat siya ng mga bagay na mas malalaki sa kanya.
REPORT: Ngayon mga kaibigan ay masasaksihan natin ang live na live dito sa ADS CGN ang gagawing ultimate pasabog na face reveal ni Black Bird. Basta magawa lang natin ang challenge niya ay ipapakita niya ang kanyang tunay na mukha. Ang tanong ay kung anong challenge ba iyon? Kailangan lamang mga kaibigan ay i-follow niyo siya sa kanyang social media account na IamrealBlackBird. At kailangan ay makaabot tayo sa 250 Million followers para ipakita niya ang kanyang mukha sa public! Right now ay mayroon na siyang 245 Million followers! 5M na lang at makikita na natin ang mukha ng bagong ultimate super hero na si Black Bird.
Pero habang naghihintay tayo ng update ay makikipag kwentuhan muna tayo sa ating mga live audience. "Hi, seswa, excited ka na bang makita ang true identity ni Black Bird?"
"Okay lang po," ang sagot ng batang bakla.
"Hala, bakit parang di ka naman excited?" tanong ng reporter.
"Eh kasi para wala naman talaga siyang nagawa, parang nag save lang siya ng isang airplane na scripted naman tapos nagligtas ng tatalon sa building. Hay sana may Alien na dumating para matest natin kung legit ba siya or hindi diba? Iba pa rin sina Super Nardo, sina Super Panget, Irano at iba pa," ang hirit nito.
Napaisip ang reporter, "Hmmm, kung sabagay no, para wala pa nga akong nakitang major major high light sa career ni Black Bird."
"True mhiema, teka live ba to? Pwede akong magpromote?" tanong ng bata.
"Sure naman!" ang nakangiting wika ng reporter.
"Hi, everyone, ipromote ko lang itong account ko. Please follow me at SuperBottomSexyTwink sa Fuckbook! You can f**k me anytime 24/7 kahit isang barangay pa kayo! Saka wanted daddy type sana na may bulky na body yung pwede ako buhatin habang fina-f**k sa ere!" ang hirit nito.
"Ay! Ang bastos mo naman bakla ka, baka masuspende ang ADS CGN sayo, diyan ka na nga! Baklang twoe!" ang wika ng Ladyboy sabay agaw ng mic.
Mga kaibigan last 2 million followers na lang at makikita na natin ang mukha ni Black Bird! Ifollow niyo lamang siya sa kanyang social media account na IamRealBlackBird at sama sama nating saksihan ang history event na ito. At iyan lamang po ang nagbabagang balita sa araw na ito. Ako po si Ladyboy Mae Lawit at ito ng ADS CGN News Live! Iputok mo!"
End Of Report.
"Nakakatakot no? Wala na tayo sa traditional way na ang mga super hero ay nagtatago ng identity sa abot ng kanilang makakaya. Ito na talaga ang bagong era na ang bawat galaw ay dapat naka broadcast para sa kasikatan. At kung sino man yang Black Bird na iyan sana lang ay may mapatunayan siya!" ang wika ni Cookie.
Makalipas ang ilang minuto ay tuluyang naabot ni Black Bird ang kanyang minimithing followers. Isa na siya ngayon sa most followed person sa social media na mayroong 270 Million. Kaya ngayon ay bumaba si Black Bird mula sa ere at dito ay tumapak siya sa entablado sa harap ng mga press at mga live audience. Dito niya isinagawa ang kanyang ultimate face reveal.
Winasi-wasiwas niya ang kanyang kamay na animo magikero at marahang hinimas himas ang kanyang itim na kalasag na nakatakip sa kanyang ulo. Maraming pa effect at arte sa katawan ang ginawa ni Black Bird, nag split pa ito at nag wagayway ng mapilantik na kamay. "Ano ba iyan, Miss Gay ba? Ang daming drama at ritwal ng pag aalis ng armor sa head ha. Ganda lang talaga!" ang wika ni Cookie habang nakakunot ang noo.
"Puta ang tagal naman, makapaligo nga muna," ang wika ni Bart sabay kuha ng towel at isinampay sa kanyang balikat.
Halos umabot ng 30 minutes ang ginawang pagpapa effect ni Black Bird, lumipad lipad pa kasi ito sa ere at nag thumbling habang umuulan ng confetti sa itaas. Halatang inip na inip na yung mga tao sa live venue dahil ang iba ay nag uwian na at ang iba ay nagpunta na lang sa mall para pumila sa concert ni Chenilyn.
At makalipas ang ilang sandali ay muling bumaba sa stage si Black Bird at dito nag wisik wisik na naman ito ng mapilantik na kamay saka marahan inalis ang kanyang maskara. Nagliwanag ang paligid at dito bumulaga sa harapan ng national television ang mukha ng bagong super hero.
Lumantad ang kanyang gwapong mukha na halatang may make up at foundation. Sa kabila ng mahabang exhibition ay fresh na fresh pa rin ang kanyang looks! Maraming napa tili at napa "wow". Samantalang marami rin namang nagtaas ng kilay.
"Hala, iyan si.. PHToppers o mas kilala bilang Wendel Dela Costa!" ang na-amaze na wika ni Cookie.
"Eh sino naman iyon?" tanong ko naman.
"Well, si Wendel Dela Costa ay isang alter sa twitter dati. Kaso nga lang hindi siya masyadong nag shine dahil ang batch nila ay talagang mga hot at maraming mas umaagaw ng atensyon. Lahat ay ginawa ni PHToppers, nakipag collab ito sa mga afam, sa mga BBC at sa mga uncut na lalaki. Pero ang ending ay nilangaw lang yung content niya. Ang baba ang views niya at talaga hindi siya masyadong bet ng mga tao. Nadaig pa nga siya ng panget na alter may mga balikong t**i. Kung pasipagan lang naman sa pag uupload ng content ay walang tatalo kay PHToppers, iyon nga lang ay waley talaga ang beauty niya dahil masyado siyang malambot para mag top. Saka alam niyo naman ang konsepto ng mga pinoy sa perfect at mabentang top diba? Kadalasan borta na matigas o kaya ay daddy na garapal bumayo. Kaya in the end, waley talaga ang beauty ni Wendel. Halos mamaga na nga ang jutay na etits nito kakaiyot e. Kaya in the end ay nag quit na lang ang lolo nyo dahil ayun nga despite ng kasipagan ay nilalangaw pa rin siya. Pero bago siya mag delete ng account ay nangako siya babalik at ibabangon ang kanyang dangal! Iyan ang trahedyang sinapit ng career niya bilang isang alter," ang wika ni Cookie na may halong lungkot.
"At talagang alam na alam mo?" tanong ko naman.
"Oo kasi dati niya akong follower. Nakita ko yung depresyon niya. Nakaka iyak talaga! Ngayon isa na siyang super hero! Comeback is real na talaga!" ang sagot ni Cookie.
Pinagkaguluhan ng madla si Black Bird noong mga sandaling iyon. Nabuhay din ang kanyang mga s*x videos sa social media at pinagpasa-pasahan ito ng mga tao. Instant celebrity ang nangyari ngayon sa kanyang career. Ngunit marami ang nagtatanong kung paano siya naging super hero at saan niya nakuha ang kapangyarihan niya na iyon. Gayon pa man ay makikita sa mukha niya ang pagiging sobrang proud.
Maya maya ay humarap ito sa camera at nagwika, "ngayon kilala niyo na kung sino talaga ako ay nais kong hamunin si Super Nardo na lumabas at makipag collab sa akin. At para naman sa mga fans na gusto akong makasex ay dadaan kayo sa screening dahil mataas na ang level ko ngayon at hindi ako basta bastang tumatanggap ng booking. Nais ko ring binatawan ang pangako ko na ipagtatanggol ko ang mundo bilang inyong pinakabago at pinaka fresh na super hero! Hanggang sa muli mga mamamayan ng Planet Earth!" ang wika ni Black Bird, muli niyang ikanabit ang kanyang maskara at saka lumipad ng mabilis sa himpapawid.
Natahimik kami ni Cookie.
"Alam mo hindi ko makita ang thought ng goal niya, masyado lang siyang famewhore!" ang wika ni Cookie.
"Marahil ay pangarap nya talagang sumikat kaya't ginamit niya ang pagiging si Black Bird niya para mapansin. Marami talagang mga tao ang gumagawa ng kakaibang bagay para sa kanilang content, at gagawin nila lahat para sumikat kahit na magmukha silang tanga o kahit na manapak pa sila ng iba. Iba na kasi ang panahon ngayon, hindi na ito katulad noong mga kabataan natin na puro laro lang at pag aaral ang inaatupag," ang paliwanag ko naman.
"Tama ka nga dyan, ngayon marami na ang sumisikat sa paggawa ng kung ano anong bagay sa internet kahit na ang moral nila ang nakataya. Sa tingin mo hanggang saan ang kanyang gawin ng Black Bird na iyan?" tanong ni Cookie.
"Hindi ko alam pero sana huwag naman niya dungisan ang salitang "bayani" lalo't wala pa siyang napapatunayan bilang isang legit na tagapagtanggol," ang sagot ko naman.
"Ako nga ang nanatakot sa pwedeng gawin ni Wendel. Feeling ko talaga mas matindi pa siya sa PH Warriors. Superhero tapos alter na famewhore pa? Huwag na magtaka kung may pasabog iyan araw araw," ang tugon ni Cookie.