Part 4: Makabagong Bayani

2308 Words
NARDING POV "Gusto ko yung pinakamahal na kwarto niyo," ang wika ng pumasok na guest habang nakaduty ako bilang front desk sa aming hotel. Ngumiti ako, pamilyar ang lalaking ito. Para siya yung alter na si Black Bird. May kasama siya isang mapayat na twink na halatang menor de edad pa pero maputi ito at chinito. Hindi lang ako sure, pero kahit sino pa siya kailangan hingian ng ID para sa information. "May reservation po kayo sir?" "Wala e," ang sagot niya. "Okay lang po, kunin ko na lang po yung ID nyo para mailagay ko sa information," ang sagot ko naman. Tumingin siya sa akin na parang naiirita, "bakit kailangan mo pa ang ID ko? Hindi mo ba ako nakikilala?" "Eh, hindi po sir, sino po ba kayo? Saka po yung pagrequest namin sa ID ng guest ay protocol ng hotel," ang magalang kong sagot. "f**k s**t na protocol yan! Hindi mo ba ako nakikilala? Ako si Black Bird! Mayroon akong 300 million followers sa social media! Gago! Dapat nga libre nyo ako pinapatuloy dito dahil powerful ako!" "Pasensiya na po Mr. Black Bird with 300 million followers. Sumusunod lang po ako sa protocol ng aming hotel. Need nyo po ipresent ang ID nyo pagkatapos ay ipapahanda ko yung pinakamahal na room namin," ang nakangiti ko pa ring sagot. "Alam mo nakakatawa ka rin e, hoy hampas lupang front desk ka lang! Gusto mo ba durugin kita gamit ito ha," ang pagbabanta nito sabay pakita ng isang kulay itim na gloves na may maliit na logo ng AA. Parang dito yata nagmumula ang kapangyarihan niya bilang si Black Bird. Malaking malaki na ang ulo nito at parang hinahangin na sa kanyang tinatamasang popularidad, kung mayroon man. Nasa ganoong posisyon kami noong lumapit na sa amin si Cookie at kasama ang aming manager. "Sir may problema po ba?" tanong ng manager. "Meron, paano tong front desk nyo napaka yabang! Bakit kailangan nyo pa ako hingian ng ID? Hindi pa sapat na inilantad ko ang mukha mo sa publiko? Ako si Black Bird isa akong sikat na super hero kaya hindi tama na tratuhin niyo ako ng ganito!" ang singhal nito. "Excuse lang po sir, first of all protocol po ng management namin na mag present kayo ng ID. Wala po kaming masamang sinasabi or ginagawa sa inyo. Ngayon sir, kung hindi kayo mag ppresent ng ID ay hindi po kayo allowed mag check in dito sa aming hotel. Pwede po kayong lumipat na lang sa iba," ang magalang na sagot ng aming manager. "Oo nga naman sir, huwag naman po kayo manglait at magtaas ng boses sa aming mga simple tao lang. Saka super hero pa naman kayo sir, dapat po role model kayo sa lahat," ang wika ni Cookie, nakangiti pero gigil na gigil na ito. "LECHE! Leche kayong lahat! s**t kayong mga mahihirap na workers! Kapag nangailangan kayo ng tulong ko ay hinding hindi ko kayo tutulungan! Ayoko na mag check in dito sa bulok at cheap na hotel nyo! Everything is chaka under the sun! Mga gago hindi niyo alam kung sino ang binabangga niyo! Kaya kong hawakan ang buong mundo kung gugustuhin ko!" ang panininghal niya sabay walk out sa aming harapan. Tahimik. "Sana all powerful," ang wika ni Cookie habang pinagmamasdan ang pag alis ni Black Bird. Napabuntong hininga na lang kami, "bakit ganyan ang mga tao, kapag nakatikim ng katanyagan at popularidad ay lumalaki ang ulo at nagiging delusyonal. Masama pala ugali ng Black Bird na iyan, sa totoo lang wala naman talaga siyang napatunayan para tawaging superhero ang sarili niya," ang wika ng aming manager. "Oo nga po mam, ibang level na ang kayabangan at kahanginan niya sa ulo. Para sobrang baba ng tingin niya sa ating mga ordinaryong tao," ang sagot ni Cookie. "Truth! Hay naku. Narding kapag bumalik iyang Black Bird na iyan ay tumawag ka ng security o kaya pulis saka mo ipahuli okay? At ikaw naman Cookie, balik na doon sa food and beverages marami ka pang ihahanda diba?" ang dagdag nito sabay tapik sa aking balikat na parang nakikisimpatya. Mabait talaga ang aming manager na iyon, matandang dalaga lamang pero labis niya kaming pinagkakatiwalaan ni Cookie. Siya rin ang dahilan kaya't tumagal kami ng three years dito. At iyon ang ending, nag walk out si Black Bird, hindi namin alam kung saan na ito nagpunta pero sana ay huwag na siya magbalik pa. "Bakit ganoon ba kalakas yang si Black Bird para hawakan niya ang mundo?" tanong ni Cookie sa akin. "Malakas ang tama. Doon sa gloves nagmumula ang kanyang kapangyarihan. At yung gloves na iyon ay may logo ng AA," ang sagot ko naman. "AA? Baka naman iyon ang developer ng armor niya. Saka feeling ko naman improvise version lang siya ng PH Warrior at mas pinapaniwala lang ang sarili na malakas siya," ang tugon ni Cookie. Sa paglipas ng mga araw ay kakaibang superhero ang nasaksihan ng lahat. Maraming pasabog na content si Black Bird at hindi ito pumapayag na walang ingay na gagawin sa loob ng isang araw. Una na rito ang pagsasayaw niya sa social media na suot ang kanyang armor at nakalabas bukol ng kanyang ari. Madalas din itong nag p-prank sa mga tao sa public area na kunwari ay may kalaban siyang halimaw. At kadalasan ay tumutulong ito sa mga tao pero nakalive at nagpapa picture pagkatapos. Karaniwan din siyang nagbibigay ng reaction at commento sa mga bagay na kanilang nakikita sa social media katulad ng pambabatikos o panunuligsa sa isang personalidad o organisasyon. At hindi pa rito nagtatapos dahil kamakailan lang ay nag upload ito ng kanyang video sa social media habang nagjajakol sa ere. Pinapasabog ang kanyang katas sa itaas at tuwang tuwa pa ito sa kanyang ginagawa. Nag uupload din siya ng mga s*x video niya suot ang kanyang Black Bird mask at pinapauso rin niya ang bagong endorsement na black condom na super thin at super elastic. Ngayon naman ay nag upload ito ng bagong video kung saan mayroon siyang kasex na nakacostume ng super nardo at tinitira niya ito sa roof top ng isang mataas na gusali. Pinalalabas niya na naka collab niya ito at kapwa sila sarap na sarap sa kababuyang ginagawa. "Obvious namang fake noh! Tingnan mo nga yung Super Nardo doon sa video, mumurahing tela ang suot, walang budget. Medyo chubby pa yung nakuha niya at bansot. Wala namang maniniwala sa kalokohan niya," ang wika ni Cookie. "Gusto niyo ba tapusin ko na yung kahibangan ng gagong iyan? Kulang lang iyan sa malakas na sapak para magising sa katotohanan na hindi siya super hero. Siya ay isang santo ng kababuyan!" ang sagot ni Bart. Natawa na lang ako, "natutuwa naman ang mga tao sa kanyang ginagawa ngayon kaya kung mapapansin nyo ay suportado pa rin ng lahat. Lalo na yung mga kabataan na wala naman talagang alam sa mundo." "Yeah, sad but true, sa panahon ngayon lahat ng tao ay nakababad na lang sa cellphone nila. Wala silang pakialam kung makabubuti ba o makakasama ang nakikita nila sa social media. Kaya hindi ko rin masisisi si Xeno Alpha at ang ilang mga Diyos kung bakit betsiley nilang gunawin ang Earth dahil ito ang land of sinners!" ang sagot ni Cookie. REPORT: Talagang hindi na mapipigilan ang kasikatang tinatamasa ngayon ni Black Bird. Kahit malaswa at bastos ang kanyang mga content ay suportado ito ng kanyang mga fans. Ayon sa mga ito ay wala naman daw malisya ang ginagawa ni Black Bird, nag eexpress lamang siya ng kanyang sarili. Freedom of expression lamang daw ang layunin ipakita ng kanyang mga content. Dahil dito ay kaliwa't kanan na rin ang endorsement ng naturang super hero. Nonstop rin ang pag angat ng kanyang followers sa social media. Samantala ay nagpakilala naman sa publiko ang corporation na nasa likod ng armor suit ni Black Bird at ito ay ang Axis Acceleration Corporation o mas kilala bilang AA Corp. Ito ay makabagong kumpanya na nagdedevelop ng mga alien technologies upang makagawa ng mga armor at suit na gagamitin upang maging malakas ang depensa ng mundo. At ngayon ay kasama natin ang major developer ng AA Corp na si Doctor Axis Xeniel upang magbigay ng kanyang insights sa kanilang mga projects. "Doc, bakit kay Wendel Dela Costa niyo naisipang ibigay ang armor suit ng Black Bird? Isa ba siyang potensiyal na super hero sa inyong assessment?" tanong ni Lady. "Dahil si Wendel ay sporty person na mahilig sa adventure. At anak siya ng isang malapit na kaibigan kaya't sa kanya namin ipinagkatiwala ang newly developed na Black Bird Gloves. Nag training siya sa amin ng 4 months para maipersonalize namin at maisync ang device sa kanyang katawan. Sumailalim si Wendel sa matinding physical at mental examination upang maging malakas at handa sa mga labanan At nakita niyo naman ang resulta ng makabagong teknolohiya, nagagawa nitong posible ang mga bagay na imposible. Sa antas ng kanyang lakas ngayon ay baka mas mahigitan pa niya sina Super Nardo," ang sagot ng doktor. "Doc, may ilang mga netizens ang ikinukumpara si Black Bird sa mga PH Warriors, puro paandar lamang daw ito at wala namang skills, ano po ang masasabi niyo sa kanila?" Natawa ang doktor, "Malaki ang kaibahan ni Black Bird sa mga palasak na PH Warrior na basura lamang ang gamit. Ang gamit namin sa kalasag ni Black Bird ay legit na alien technology. Ang bawat parte ng kanyang armor ay gawa sa Vibranium, isang mataas na uri ng metal na immune sa lamig at init. At hindi rin ito basta basta nasisira ng kahit anong pag atake. Soon, 2 or 3 years from now ay makakagawa na tayo ng mas malalakas na armor na maaaring ipantapat o mahigitan pa sina Super Nardo, Irano, Super Panget, Ace at maging si Super Kuya. At si Black Bird ang magiging simula ng pagbabagong iyon," ang paliwanag ng doctor. "Last question doc, aasa ba kami na hindi lang si Black Bird ang makabagong bayani na ilalabas ng AA Corp?" tanong ni Lady. "Oo sa ngayon ay dine-developed narin ng AA Corp ang bagong underwater suit namin na kung tawagin ay Blue Whale! Isang uri ng armor na nakakapagtravel sa ilalim ng tubig sa mas mabilis na oras. May kakahayan rin ng Blue Whale armor na maglabas ng ultra sonic waves na nagkakapag control ng alon sa kanyang paligid. Soon, hindi na natin kailangan umasa kina Super Nardo at Irano dahil mayroon na tayong sarili nating tagapagtanggol sa himpapawid at sa karagatan. Sa kanila sisibol ang bagong pag asa ng sanlibutan. Sila ang tatawaging LOA o League of Axis!" ang tugon ni doc. At dito ay pinasilip niya ang ginagawang blue na armor na may mga palikpik sa braso at hita. "Ay, winnerbels yang League Of Axis na yarn!" ang hirit ng reporter sabay harap sa camera. Mga kaibigan nakapanayam batin ang doctor sa likod ng Black Bird suit na si Doctor Axis Xeniel. Ngayong lumalala ang krimen sa mundong ibabaw at hindi visible sa ating mga mata sina Super Nardo at iba pa. Pagkakataon na nga ba para bumongga ang mga bagong super hero katulad nina Black Bird at Blue Whale? Hanggang saan aabot ang kabaliwan este ang ambisyong ito ni Doctor Axis? Ako po si Ladyboy Mae Lawit na ang iiwanan ng mga katagang, kapag may ipinasok may puputok! Ito po ang ADS GCN news live! Iputok mo!" END OF REPORT "Oh diba, havey na havey si Ladyboy!" ang hirit ni Cookie. "Si Doctor Axis ay isang mad scientist na may malalang obsesyon kina Super Nardo at iba pang miyembro ng Liga. Kaya nag cocollect ito ng mga debris ng mga nawasak na flying saucer o sasakyan ng mga alien. Pati na rin ang mga nakaraang kalaban ng Liga para ipunin at makagawa ng sarili niyang mga bayani. Kumbaga ay mga recycle ang mga ginagamit niya. Hindi naman maipagkakaila na matalino talaga si Doctor Axis," ang wika ni Bart. "Paano mo naman nalaman ang tungkol sa kanya Bart?" tanong ko naman. "Dahil si Doctor Axis ang may ari ng Sunrise Hotel kung saan ako nagwowork. At bali-balita na sa underground ng hotel na iyon ay isang laboratoryo. Pero hindi ko naman napapasok pa dahil highly restricted. At isa pa ay wala naman akong pakialam kay Doctor Axis," ang sagot nito. "Ahh basta, kahit ano pa iyan, baliw baliwan iyang si Doctor Axis! Kung ano anong kahangalan ang pinag gagawa niya! Naku sana lang talaga may dumating na alien dito yung parang sina Hungry Danaya! Yung papatayin silang lahat! Saka for months training? Hello si Narding ilang taon nang super hero pero na jojombag pa rin ng kalaban!" ang gigil na wika ni Cookie. "Sira ka talaga, edi madami namang nadamay? Hayaan na lang natin iyang si Black Bird sa kalokohan niya. Magsasawa rin ang tao dyan," ang sagot ko naman. At habang nasa ganoong posisyon kami ay biglang nagdilim ang kalangitan at dito ay nakaramdam kami ng kakaibang enerhiyang nagmumula sa itaas. Agad kami lumabas ng bahay at napatingala. "Oh shet!" ang wika ni Cookie. "Sira ka talaga Cookie! Be careful what you wish for nga diba?" ang sagot ko naman sabay katok sa kanya. Dito ay bumulaga sa amin ang isang malaking UFO na nakalutang mula sa itaas. Noong mga sandaling iyon ay nagimbal ang buong siyudad at ang lahat ay napatingala sa biglaang pagsulpot nito sa alapaap. Samantalang napatingin naman ako kay Bart at dito hinawakan niya ang aking braso. "Hindi ka aalis dito, Narding," ang matigas na wika nito. "True! Hayaan mo sila! Sana kakambal ni Hungry Danaya yung lumabas dyan. Sana sina Hungry Elena o kaya si Hungry Pirena," ang hirit naman ni Cookie. **** The entire story can be read as PDF PREMIUM. Please support the writer by purchasing for only 350ph full episodes (75.) Payment via G-CASH Please contact: 0995 078 9932/ 0967 237 0945
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD