Chapter 6
Pagpasok ni Maria Angela sa kwarto ni Luke naabutan niya itong nagbabasa ng libro sa kulay puting sofa nito. Nakataas pa ang paa nito sa center table habang komportable itong nag babasa ng libro
"S-Ser maglilinis na ho ako" Agaw niya sa atensyon nito
Tumingin lang ito saglit sakanya at pinagpatuloy na nito ang pag babasa ng libro
sinimulan na niya ang kanyang pag lilinis. Malinis naman ang kwarto nito ngayon hindi katulad noong nakaraang araw.
Halatang sinadya lang nitong ikalat ang mga chichirya upang pahirapan siya noong araw na iyon
"Oy"
Napalingon siya rito ng tawagin siya nito
"Ser Maria po ang pangalan ko. Hindi Oy" Hindi niya mapigilan sabihin iyon dahil napansin niyang hindi nito tinatawag ang kanyang pangalan
Nasasanay na itong tawagin siyang Oy
Kumunot lang ng kaunti ang nuo nito
"Come here"
"Po?" Nagtatakang tanong niya
"I said come here" Sabi nito habang nakatingin ito sakanya. Nabawasan na ang kunot ng noo nito habang nakatingin sakanya
Hawak hawak niya ang walis at dustpan ng lumapit siya rito.
"Bakit Ser?" Nagtatakang tanong niya. Hindi naman niya maiwasan makaramdam ng kilig dahil sa dami ng beses niyang nag linis sa kwarto nito ngayon lang siya nito pinalapit
"Ilagay mo muna yang hawak mo doon" Tinuro nito ang gilid na paglalagyan niya ng walis at dustpan
Kahit nagtataka siya sinunod nalang niya ang utos nito. Baka kasi maging bad mood nanaman ito kapag hindi niya ito sinunod. Mas gwapo pa naman ito kapag good mood ito.
Muli siyang lumapit dito
"Sit" Utos nito sakanya
"Po?"
"Sabi ko maupo ka sa tabi ko"
Parang nagrambulan naman ang mga daga sa loob ng puso niya sa sinabi nito
"B-Bakit"
"Tinatamad akong mag basa ng libro ko. Ikaw ang magbasa para sakin"
Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito kaya tinanong niya ito muli
"Ha? Ano po?" Ulit niya
"I said sit here" Tinapik pa nito ang espasyo sa tabi nito. Medyo naiinis nanaman ito sakanya kaya nataranta siya.
Napalunok siya ng ilang beses bago sinunod ang gusto nito. Umupo siya sa tabi nito.
"Read this."
Lalong kumalabog ang kanyang puso dahil napakabango nito! Lalo na amoy na amoy niya ang fresh breath nito dahil kaunti lang ang layo nito sakanya. Totoo ata yung mga comercial na kapag mabango ang hininga ng katabi mo mapapapikit ka nalang at mapapangiti. Ngunit siyempre hindi niya pinahalata iyon.
Ini-abot nito sakanya ang librong hawak nito at itinuro sakanya kung saan na ito natapos sa pagbabasa
"B-Babasahin ko po ito para sayo?"
Tumango ito habang nakatingin sakanya
"Oo tinatamad ako eh" Balewalang sagot nito bago ito nag iwas ng tingin sakanya at sumandal ng husto sa sofa.
"Start reading" Utos pa nito sakanya
Napabuntong hininga siya dahil natataranta siya at nagtataka sa pinagagawa nitong pogi niyang amo.
Inumpisahan na niyang basahin ang binabasa nitong libro na pinamagatang "The beauty of her"
"I-I stare at you when you're not looking at me Gercia. I-I think your smile drives me crazy"
Lalong bumilis ang t***k ng kanyang puso dahil hindi niya akalain na romance book ang binabasa nito. Higit sa lahat nakakapanghina ang linyang pinasimulan nitong basahin sakanya
Nanginig tuloy ang kanyang boses at hindi niya maiwasan isipin na sinasadyang pinapabasa nito iyon sakanya.
Gusto rin ba nitong sabihin sakanya ang linyang iyon?
"Continue." Utos pa nito
Pakiramdam niya kahit malamig sa kwarto ni Luke ay pinagpapawisan siya. Bakit naman kasi romance book ang ipinapabasa nito sakanya?
"I-I think about you a little more than i should" Napaubo tuloy siya sa sobrang kilig sa kanyang binabasang libro.
Inagaw nito sakanya ang libro
"Wag na nga. Ang tagal mong mag basa eh" Napansin niyang medyo napapangiti ito bago ito tumayo.
Hindi naman siya makapag salita dahil sa kilig na kanyang nararamdaman. Sabihin na nitong ambisyosa siya ngunit pakiramdam niya baka ipinabasa nito talaga iyon para sabihin ng pasimple ang mga gusto nitong sabihin sakanya? Sobrang assuming niya sa part na iyon.
"May pasok ka ba bukas?" Tanong nito sakanya na medyo ikinagulat niya hindi pa kasi siya nakaka-move on sa ipinabasa nitong linya ng libro sakanya
"W-Wala. Pero day off ko rin po bukas kaya aalis po ako"
Napakunot agad ang nuo nito
"Where?"
"Po?" ramdam parin niya ang malakas na t***k ng kanyang puso
"Where are you going?" Masungit nitong tanong sakanya.
Hindi niya maiwasan mapatingin sa gwapong mukha nito. Kung hindi lang ito masungit tatawagin parin niya itong Ser pogi dahil bagay na bagay dito ang pagiging Ser pogi! Pogi na mabango pa! Kaso napakasungit.
"M-May project kasi kami bibili lang po ako sa mall ng mga gagamitin namin"
"Alone?"
Umiling siya
"K-Kasama ko po yung classmate ko"
"You're not allowed"
"Ha?"
"May pupuntahan ako bukas isasama kita. Isabay mo nalang yung mga bibilhin mo"
"N-Nako Ser hindi po pwede kasi nakaplano na kami ni France--"
"France my ass. Diba sabi ko sayo hindi ka pwedeng mag boyfriend habang pinag aaral ka ng pamilya ko?"
"Hindi ko naman po yun boyfriend. Kaibigan ko lang po siya"
tinignan lang siya nito ng masama
"Basta ako ang samahan mo"
Pumasok na ito sa bedroom nito at binagsakan siya nito muli ng pinto
Napangiwi nalang siya dahil madalas nagiging isip bata ito pag napag uusapan nila ang pagkakaroon niya ng nobyo
Hindi naman siya manhid upang hindi makaramdam ng kaunting pag asa.
Masaya siya dahil makakasama niya ito bukas. Saan naman kaya sila pupunta? At bakit siya nito gustong kasama?
itetext niya nalang si France mamaya na hindi siya makakasama rito bukas dahil siyempre mas priority niyang samahan si Ser pogi kahit sa mars pa ito pumunta sasama siya
Pinagpatuloy nalang niya ang pag lilinis ng living room ng kwarto nito
Wala pang limang minuto ng lumabas ito uli sa kwarto nito
Napatingin siya dito ng lapitan siya nito. May ini-abot ito sakanyang maliit na papel na may nakasulat na numero. Tinangap naman niya iyon
"Save my number."
"P-po?" Nanlaki ang mata niya dahil totoo bang binibigay nito sakanya ang cellphone number nito?
"Call me tonight sasabihin ko sayo kung anong oras tayo aalis bukas"
Yun lang ang sinabi nito at muli itong pumasok sa kwarto nito.
Ilang beses ba nitong patitibukin ng mabilis ang kanyang puso? Parang gusto na niyang tumili sa sobrang kilig. Ngunit nakuntento nalang siya sa pagyakap ng maliit na papel sa kanyang dibdib
Bigla naman bumukas muli ang pinto ng kwarto ni Luke at nakita nitong niyakap niya ang papel na binigay nito sakanya
Namula tuloy ang kanyang mukha dahil sa hiya.
Nakita niyang napangiti ito ng kaunti
"Tawagan mo ko. Kapag wala kang load makitawag ka" Bilin pa ulit nito sakanya bago ito ngumiti na para bang natutuwa itong makita siyang kinikilig
"O-Opo Ser!" Tumalikod na siya at lumabas sa kwarto nito tutal napakalinis naman na ng kwarto nito kaya di na niya kailangan linisin iyon
Kinagabihan nagpaload talaga si Maria sa kanyang tatay Jose upang maitext niya si Ser Luke.
Kanina pa siya pagulong gulong sa kanyang kama dahil hindi niya maisip kung ano ba ang itetext niya rito?
To Ser pogi : Hi Ser! Si Maria po ito. Anong oras po tayo aalis bukas?
Sent!
Kinakabahan siyang naghintay sa reply nito wala pang isang minuto ng biglang mag ring ang kanyang cellphone
Nanlaki ang kanyang mata dahil tumatawag ito sakanya!!!
Nataranta siya at hindi niya alam kung anong sasabihin niya!
Agad naman niyang sinagot ang tawag nito
"H-Hello S-Ser?" Sagot niya
"Bakit ngayon ka lang nag text?"
"B-Busy po kasi ako" Palusot niya
"Pagod ka ba?"
"P-Po?"
"Napagod ka ba sa pag trabaho?" Tanong pa nito
"H-Hindi naman po Ser"
Hindi niya maiwasan kiligin sa mga tanong nito. Concern ba ito sakanya???
"Maaga tayong aalis bukas."
"A-Anong oras po para mag alarm ako"
"8am magkita tayo sa parking"
"O-Okay po" Pakiramdam niya mag dedeyt sila!
"Did you eat?"
Nanlaki ang kanyang mata sa tanong nito. Akala pa naman niya matatapos na ang usapan nila ngunit hindi pa rin ito natatapos sa pag tanong
"O-Opo kanina pa sabay sabay kami nila ate Berna"
"Good."
Mas lalo siyang kinikilig.
"I-Ikaw Ser kumain ka na ba?" Napakagat labi siya dahil sa kanyang tanong
Umaasa siyang makausap ito ng matagal dahil masarap sa kanyang pakiramdam habang kausap niya ito sa cellphone. Ang sarap kasi pakingan ng boses nito
"Hindi pa nga eh"
"Po! Bakit?"
"Dalhan mo ako ng pag kain. Nakatulog ako eh di nako tuloy naka-kain"
"N-Ngayon po?"
"Yeah"
"S-Sige Ser wait mo ako"
"Okay"
Ayaw pa sana niyang patayin ang tawag nito ngunit binaba na niya iyon upang pag handaan ito ng kakainin
Agad siyang dumiretso sa kusina upang pag init ito ng kakainin.
Tinolang manok at kanin ang kanyang ininit upang ipakain sa pinakagwapong amo niya
Ngunit hindi pa man kumukulo ang tinola ng marinig niya ang boses ni Ser luke sa loob ng kusina
"Dito nalang ako kakain"
Napalingon agad siya rito
Hindi na ito nakasimangot ngunit hindi naman ito nakangiti.
"S-Sige Ser malapit na po itong kumulo"
Nang kumulo na ang tinola agad niya iyon sinalin sa isang puting bowl at inihain niya iyon para kay Ser Luke
"Ikaw hindi ka ba nagugutom?" Tanong nito sakanya
"Po?"
"Sabayan mo ako kumain"
Agad siyang napangiti. Napakaswerte naman niya ngayong araw na ito!
"S-Sigurado ka Ser?"
"Yeah"
"Gutom nga ako Ser eh!"
Agad siyang kumuha ng pingan at sinabayan itong kumain.
Patingin tingin ito sakanya habang kumakain silang dalawa. Ito na ata ang pinakamasarap na hapunan niya simula ng magtrabaho siya rito sa pamilya ng mga hoffman
"Ako na mag huhugas nito. Matulog kana"
Napaubo siya sa sinabi nito ng matapos silang kumain. Ito na rin ang nag ligpit ng pinagkainan nila
"Nako Ser hindi po pwede. Trabaho ko po yan" Pilit niyang inaagaw ang mga pingan na hawak nito
"Matulog kana. I can do this"
Sinimulan na nitong hugasan iyon kaya naman wala siyang nagawa kundi mapatingin nalang dito habang nag huhugas ito ng pinag kainan nila
Napahawak nalang siya sa kanyang dibdib dahil baka lumabas doon ang puso niya sa sobrang bilis ng t***k nito
"T-Thank you Ser"
"Matulog kana"
Ewan ba niya pero may nahimigan siyang lambing sa boses nito kaya napangiti siya
"H-Hintayin ko na po matapos kang mag hugas ng pingan Ser. S-Sabay na po tayong matulog"
"Mauna kanang matulog maaga pa tayo bukas"
"G-Gusto mo tulungan nalang kita diyan Ser?"
Napatingin ito sakanya
"S-Sige" Umusog ito ng kaunti
Napabilis tuloy lalo ang t***k ng kanyang puso ng tabihan niya ito sa harap ng lababo
"Banlawan mo yung mga nasabonan ko na" Utos nito sakanya
"Y-Yes Ser!"
Kinikilig siya dahil pakiramdam niya mag asawa silang sabay na nag huhugas ng pingan
Gusto pa sana niyang patagalin ang pag huhugas nila ngunit ilang plato lang naman ang mga iyon kaya madali lang silang natapos
Kumuha agad siya ng isang puting towel at siya na mismo ang nagpunas sa basang kamay ni Luke
Napatingin naman ito sa kanyang ginagawa ngunit hindi naman ito tumutol. Hinayaan lang nitong punasan niya ang kamay nito
"N-Napagod ka pa tuloy Ser"
Kinuha nito sakanya ang puting towel at ito naman ang nag punas sa kanyang kamay
Kung nakakamatay lang ang kilig baka nahimatay na siya ng paulit ulit sa mga oras na iyon
"Ikaw nga yung pagod."
Ingat na ingat itong punasan ang kanyang kamay
Napalunok tuloy siya habang nakatingin sa napakagwapo nitong mukha. Pakiramdam niya suntok sa buwan lahat ng mga nangyayaring ito
"Ihatid na kita sa kwarto niyo"
"P-Po?"
Nanlaki ang kanyang mata ng hawakan nito ang kanyang kamay!
Napakagat labi siya dahil hawak nito ang kanyang kamay hangang sa makarating sila sa tapat ng kanyang kwarto. Hindi na halos niya napansin nakarating na sila doon dahil gustong gusto niya ang pakiramdam ng pagkakahawak nito sa kanyang kamay
"See you tomorrow"
Parang ayaw pa nitong bitawan ang kanyang kamay ngunit binitawan na rin nito iyon
Panigurado namumula ang kanyang pisngi sa mga oras na iyon
"S-Sige po Ser. Good night po"
"Good night" Ginulo nito ang kanyang buhok bago ito lumakad palayo sakanya