Chapter 7

2084 Words
Chapter 7 "Anak anong ginagawa mo riyan?" Napakamot ng kanyang kilay si Maria ng makita siya ng kanyang tatay sa parking lot kung saan nakaparada ang itim na kotse ni Ser Luke "T-Tay" Wala siyang maisip na palusot dahil hindi niya inaasahang makikita siya nito Mag-aalas otso palang ng umaga ngunit mga sampung minuto na siyang naroon dahil ayaw niyang malate sa unang date nila ni Luke kung date nga ang tawag doon. "Anong ginagawa mo diyan anak?" Tanong ulit ng kanyang tatay may hawak itong hose mukhang maglilinis ito ng mga kotse doon. May labing walong sasakyan kasi doon na nakaparada na pag mamay-ari ng magkakapatid na hoffman "A-Aalis ho kami ni Ser Luke" Pag amin niya Nagtaka naman ang kanyang tatay "Saan naman kayo pupunta ng ganito kaaga anak?" "We're going to buy her school projects Mang Jose" Sabay silang napalingon sa likuran niya dahil kakarating lang ni Ser Luke Para bang huminto ang kanyang mundo dahil napakagwapo nito ngayon! Halatang sinuklay pa nito ng maayos ang buhok nito dahil ayos na ayos iyon at bumagay ito kay Luke He's extra handsome today! He's wearing a black sweatshirt and black pants na tinernuhan nito ng white rubber shoes. Nagpagwapo ba ito para sa pag alis nila ngayon? At higit sa lahat amoy na amoy niya ang napakabango nitong perfume. Natulala tuloy siya rito habang papalapit ito sakanila "Ser Luke good morning. Ganon ho ba? Mag oiingat po kayo ng anak ko Ser. Masaya ako at magkaibigan na pala kayo ngayon" Mukhang natuwa naman ang kanyang tatay. Ngumiti lang si Luke "Sige po mauna na kami Mang Jose" Paalam nito sa tatay niya. Then he press the small car key controler. Umilaw agad ang kotse nito. Sinulyapan siya nito at napansin niyang tumaas ng kaunti ang sulok ng labi nito He smile sweetly to her! Sapat na iyon para mataranta siya kaya naman nauna na siyang pumasok sa loob ng kotse nito. Binuksan niya ulit yung pinto ng kotse dahil nakalimutan niyang mag paalam sa tatay niya "Sige tay alis na kami!" Natataranta parin niyang paalam sa tatay niya. "Ingat kayo anak!" Muli niyang sinara ang pinto ng kotse at umayos siya sa kanyang pag kaka-upo. Nagmadali rin siyang isuot ang kanyang seatbelt. Mukhang magkakasakit na siya sa puso dahil hindi niya mapigilan ang pag t***k nito ng mabilis! Rinig na rinig pa nga niya ang t***k ng kanyang puso kaya mas lalo tuloy siyang na-tetense! Kalma girl! She's wearing a mint green dress. Isa iyon sa mga binigay ni France sakanya. Saktong sakto lang iyon sa kurba ng kanyang katawan. Tinernohan niya iyon ng simpleng white sandals na bigay rin ni France. Malaki talaga ang pasalamat niya sa mga damit at gamit na binigay nito sakanya dahil may naisusuot tuloy siya Hindi siya makatingin ng maayos kay Ser Luke ng makapasok na ito sa loob ng kotse nito. "Ang aga mo ha?" Sabi nito bago nito inumpisahan paandarin ang kotse nito "K-Kakadating ko lang rin" Ngumiti ito ng kaunti. Bakit parang masaya ito? Pasulyap sulyap siya dito habang nag mamaneho ito. "Let's have breakfast first" Tumango siya "T-Tamang tama hindi pa ako nag almusal" Tumingin ito sakanya pag katapos napatingin ito saglit sa kanyang kamay "Hold my hand.." Nanlaki ang kanyang mata ng hawakan nito ang kanyang kamay habang nag mamaneho ito gamit lang ang isang kamay nito! Ang init ng kamay nito! Napakasarap sa pakiramdam ng pagkakahawak nito sa kanyang kamay. Hindi ito tumitingin sakanya habang hawak nito ang kanyang kamay Nakasampung lunok ata siya bago siya nakahinga ng maayos! "Why your hand is cold?" "H-Ha?" Wala sa sariling tanong niya dahil hindi pa siya nakakapag isip ng maayos habang hawak hawak nito ang kanyang kamay "Malamig yung kamay mo." Saglit nitong pinisil ang kanyang kamay at nag dulot iyon ng ibat ibang boltage sa buong katawan niya. "K-Kakaligo ko lang kasi Ser kaya siguro malamig pa" Muntik pa siyang mabulol sa kanyang sinasabi dahil natetense siya habang hawak nito ang kanyang kamay "Don't call me Sir anymore" "P-Po?" "You can call me Luke or anything you want" "N-Nako baka magalit po yung iba. Baka sabihin feeling close ako sayo Ser" Napayuko siya upang itago ang kilig na kanyang nararamdaman Lumiko ito sa isang coffee shop. Sikat na coffee shop iyon at first time niya lang makakakain doon Nag park ito sa bakanteng pwesto. Hawak parin nito ang kanyang kamay "Diyan tayo kakain Ser" "Isang Ser mo pa sakin hindi na kita papansinin" Tila ayaw pa nitong bitawan ang kanyang kamay "S-Ser naman nahihiya akong tawagin ka sa pangalan mo." "please?" Napatingin siya sa namumulang labi nito dahil napalabi ito. Hindi niya akalain na malambing ito! Jusko sa sobrang suplado nito noong nakaraang araw anong nakain nito at bigla itong nagkaroon ng paglalambing sakanya? "S-Ser marupok ako. P-Pinaaasa mo naman ako sa mga ganyan ganyan" Natawa ito sa kanyang sinabi. Kaya napangiti rin siya dahil ito ang unang beses niyang narinig ang tawa nito. Masarap pala iyon sa pandinig! "Marupok din ata ako?" Biro nito sakanya "S-Ser naman" Napakagat labi siya dahil sa sinabi nito at ito naman ang napatingin sa kanyang labi Napalunok ito Matagal nitong tinitigan ang kanyang pinkish lips Agad nitong binitawan ang kanyang kamay "L-Let's go" Aya nito sakanya at nauna na itong lumabas ng kotse Napanguso nalang siya dahil parang umiwas na ito sakanya simula ng mapatitig ito sa kanyang labi Pag pasok nila sa coffee shop ito nalang ang hinayaan niyang mag order dahil hindi niya alam ang kanyang oorderin "Bonne a petite" He gave her a piece of lemon cake . Hawak nito ang tinidor na mayroong maliit na lemon cake at inumang nito iyon sakanya "Po?" He's smiling at her! Ngunit nawala ang ngiti nito ng may lumapit sakanila "Luke! Bro!" Sabay silang napatingin sa lalaking lumapit sa kanilang table. Gwapo rin ito at halatang mayaman "H-Harold. where's Kenj?" Tanong naman ni Luke dito bago nito ibinalik ang kapiraso ng lemon cake na isusubo nito sakanya Para bang nahiya ito sa lalaking lumapit sakanila dahil namula ang tenga nito "I don't know baka kinukulit nanaman yung kuya Zach niyo. Anyway what are you doing here?" "N-Nothing. Just having breakfast" "Oh! Your new girlfriend?" Tanong ng lalaking tinawag nitong Harold ang pangalan He cleared his throat bago pa ito tumangi inunahan na niya ito dahil hindi niya kayang marinig mula dito ang katotohanang hindi siya nito kasintahan "H-Hindi po. K-Kasambahay nila ako sa mansyon sinasamahan ko lang ho si Ser Luke" Napataas naman ang kilay ni Harold dahil sa kanyang sinabi at nanunukso nitong inakbayan si Luke "Really Luke huh? This early?" Tumingin pa ito sa pambisig nitong relo Samantalang tuluyan naman nawala sa mood ang gwapo niyang amo dahil hindi na ito nakangiti "Oh i think i'm disturbing you guys! Anyway Luke hinahanap ka ni Cassy." Bulong nito kay Luke na agad naman niyang narinig Nag iwas nalang siya ng tingin at nagkunwaring hindi iyon narinig Hindi naman sumagot si Luke at suplado itong nagpatuloy kumain "Go back to your table Harold" Masungit nitong utos kay Harold "Oh oh..Geez! See you around guys! Nang makaalis si Harold naging tahimik silang dalawa ni Luke habang kumakain sila ng cake at umiinom ng maiinit na doble cream coffee Patingin tingin ito sakanya at marahil napansin nitong nalungkot siya. "Cassy is not my girlfriend" Napatingin siya dito ng magsalita ito. He's looking at her face. "G-Ganon ba Ser." "Are you jealous?" Maya maya tanong nito sakanya Napaubo tuloy siya sa sinabi nito "B-Bakit naman ako magseselos Ser" Napakunot ng kaunti ang nuo nito "I thought you like me" Sunod sunod siyang napainom ng maiinit na kape. Kahit mainit init pa iyon ay hindi niya iyon alintana dahil tense na tense nanaman siya "N-Napopogian lang Ser" "What do you mean?" Nakakunot ang nuo nito habang hinihintay ang kanyang sagot "H-Hindi kita pwedeng magustuhan dahil unang una katulong niyo lang ako--" "Who told you that?" "B-Basta Ser huwag kang mag alala napopogian lang naman ako sayo. No deep feelings" Nag iwas siya ng tingin dahil hindi niya kayang salubungin ang mata nito "You don't think about me?" Parang nagtatampo nitong tanong pa sakanya Napatabinge tuloy ang kanyang ngiti. Ano bang gusto ni Ser Luke? Umamin siyang crush niya ito? N way! Baka layuan pa siya nito. Umiling nalang siya dahil hindi niya kayang sagutin ang tanong nito His jaw clenched "Do you like somebody else?" Kunot nuong tanong nito sakanya "H-Ha?" "May iba kang gusto?" Suplado parin nitong tanong sakanya na para bang naiinis na ito "S-Siguro Ser." Pagsinungaling niya "Who the f**k?" "Po?" "Nothing. Nawalan nako ng gana" Tumayo ito at nauna ng lumabas ng coffee shop. Naiwan siyang nakatulala. Halos hindi pa nga nangangalahati ang cake nito. Nang makabawi siya sa kanyang pagkakatulala napatayo narin siya at sinundan ito sa parking area. Baka kasi iwanan siya nito wala pa naman siyang dalang pera Naghihintay na ito sakanya sa loob ng kotse nito. Nakahinga siya ng maluwag dahil hinintay siya nito. Pag pasok siya sa loob ng kotse nito hindi siya nito tinitignan at halatang bad mood ito. Gusto man niya kausapin ito ngunit hindi na lang niya ginawa dahil naka-suot sa dalawang tenga nito ang earphones ng cellphone nito. Mukhang ayaw siya nitong kausapin. Tahimik nalang siyang umupo roon at nag seat belt. Sinimulan na nitong mag drive. Napapatingin siya sa kamay nito. Namiss niya tuloy ang pag hawak nito sa kanyang kamay kaninang umaga. Napabuntong hininga siya. Natatakot kasi siyang umamin ng kanyang feelings dahil baka magbago ito sakanya. Mas gusto niyang ito muna ang magsabi kung may gusto ba ito sakanya o wala dahil baka assuming lang siya. Huminto ito sa tapat ng national bookstore "I'll wait for you here. Bumili kana ng mga bibilhin mo" Hindi ito tumitingin sakanya Naku po! Wala siyang dalang pera! Ngayon lang niya naisip kung anong ipambabayad niya sa mga school projects na bibilhin niya. Lutang kasi ang isip niya mula pa kagabi. "S-Ser wala ho akong pera. Dapat po kasi yung classmate ko yung bibili. K-Kaya sa susunod nalang kami bibili Ser" Nahihiya siya at nanliliit dahil wala naman talaga siyang dalang pera "Do you have a list?" "Po?" "Give me the list. Ako na bibili" "N-Nako Ser huwag na--" Lumabas na ito ng kotse nito kaya wala siyang magawa kundi sundan ito sa loob ng national bookstore Pinag titinginan ito ng mga tao roon. Nanlalaki pa ang mga mata ng mga babae habang napapatingin ang mga ito kay Luke. "Oh my God diba Hoffman iyan? Grabe ang gwapo!" Tili pa ng isang babae sa gilid "Oo nakikita ko yan sa magazine! Siya nga iyon!" Sagot pa ng isa "Papicture tayo dali!" Nagtutulakan pa ang mga ito palapit sakanila ni Luke Hindi naman ito pinansin ni Luke at deretso lang itong lumakad papunta sa mga school supplies section. "S-Ser" Hinawakan niya ang dulo ng damit nito upang tumingin ito sakanya "What?" Masungit nitong tanong sakanya "B-Babayaran nalang kita ha?" Iniabot niya rito ang listahan ng mga bibilhin niya Kinuha naman nito ang listahan at ito pa mismo ang naghanap ng mga kailangan niya. Tahimik lang siyang sumusunod dito. Hangang sa magbayad ito sa cashier nasa likod lang siya nito. Ito rin ang nag buhat ng mga napamili nila at inilagay nito sa likod ng kotse nito Nang makapasok na sila sa loob ng kotse nito tahimik lang itong nag drive "S-Ser thank you po." Nahihiyang sabi niya dahil nabibingi na siya sa katahimikhan Hindi ito kumibo at tahimik lang itong nag mamaneho. Nakaramdam siya ng lungkot ng makarating na sila sa mansyon. Hindi siya nito pinapansin. Ito ang nag bitbit ng mga pinamili nila at hinatid pa siya nito sa kanilang kwarto ni Berna Nanlalaki naman ang mata ni Berna at papalit palit ang tingin sakanilang dalawa ni Luke ng pag buksan sila nito ng pinto "S-Ser Luke? Maria?" Iniabot ni Luke kay Berna ang mga supot ng national bookstore kaya agad nitong binuhat iyon. Pagkatapos lumakad na ito palayo sakanila. Ni hindi man lang siya nito tinignan at hindi man lang ito nagpaalam Nabalot tuloy ng lungkot ang kanyang puso Galit ba ito? "Hoy palaka ka. Bakit kayo magkasama ni Ser Luke? At teka ano tong mga to? Kayo na ba? Bakit parang LQ agad kayo?" Sunod sunod na tanong ni Berna Malungkot naman siyang pumasok sa kwarto nila at dinedma niya lang ang mga tanong ni Berna Inilagay agad ni Berna ang mga supot sa isang gilid at excited itong nakikichismis sakanya "Huy mag kwento ka naman neng! Ano yun ha? Parang may something" Napabuntong hininga lang siya. Wala pang limang minuto ng tumunog ang kanyang cellphone kaya naman nataranta siya Isang text ang kanyang natangap mula kay Ser Luke From Ser pogi : Can you please clean my room right now? Nakibasa naman si Berna sa text ni Ser Luke "Aba at textmate na kayo?! Ang haba ng hair mo!" Tuwang tuwa naman si Berna at halos kurutin pa siya nito sa tuwa "Maglilinis lang ako ate!" Agad siyang lumabas ng kwarto nila "Hoy gaga day off mo diba?" Nagkibit balikat lang siya at halos tumakbo siya papunta sa kwarto ni Ser pogi
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD