Chapter 8
Kanina pa naglilinis-linisan si Maria sa kwarto ni Ser Luke Anderson Hoffman. Pinapalinis parin kasi nito sakanya ang kwarto nito kahit malinis naman iyon
Sinabihan siya nito kanina na mag linis at huwag itong guguluhin sa ginagawa nito. Kasalukuyan kasi itong nakaupo sa study table ito at kanina pa ito may isinusulat doon. Naka-ilang beses na rin nito naitapon ang mga papel na sinusulatan nito.
"S-Ser tapos na po ako maglinis" Nilapitan niya ito sa study table nito.
Naiinip na kasi siyang mag punas ng dust-swiffer eh wala naman alikabok sa kwarto nito. Infact napaka-shiny nga ng mga muebles sa kwarto nito.
"Clean more" Utos nito sakanya at para bang ayaw nitong ipabasa sakanya ang sinusulat nito
"E-Eh Ser kanina pa po ako naglilinis, Sobrang linis na po--"
"Mas linisin mo pa" Sabi nito habang busy ito sa sinusulat nito. Marahil school project din nito iyon
Napakamot nalang siya sa kanyang kilay. At nagpatuloy nalang siya sa paglilinis-linisan sa kwarto nito
Mga sampung minuto ang lumipas tumayo na rin ito at nag inat pa ang bruho. Mukhang napagod ito sa sinusulat nito
"Oy" Tawag nito sakanya kaya napatingin siya dito
"Po?"
"Come here" Tawag nito sakanya na para bang bata ang tinatawag nito
Lumapit naman siya rito. Hangang ngayon hindi parin siya masanay sanay sa kagwapuhan nito dahil sa tuwing titingin siya sa gwapong mukha nito ay para bang natataranta ang katawang lupa niya
"Bakit Ser?"
"I draw you"
"Po?"
"I draw you" ulit nito bago ini-abot sakanya ang papel na kanina pa nito hawak hawak
Agad naman niya tinignan ang drawing nito. Nanlaki ang kanyang mata dahil siya nga ang naka-guhit doon! Napakagaling nitong gumuhit. Kuhang kuha nito ang bawat detalye ng kanyang mukha! Simpleng drawing lang iyon habang nag lilinis siya sa kwarto nito. May hawak pa siya dust-swiffer at nakatingkayad pa siya sa guhit nito
"W-Wow!" Hindi makapaniwalang bulalas niya
Agad siyang napangiti at napatingin dito
Nakangiti rin ito mukhang nagustuhan nito ang reaction niya
"Ang galing mo mag drawing Ser!" Tuwang tuwa siya habang tinitignan niya parin ang drawing nito
"I know" Proud pa nitong sabi sakanya
"Teka bakit mo ako dinrawing?"
Nagkibit balikat ito
"Wala lang" Anito habang pinipigilan mapangiti
"Ang ganda ko dito Ser!"
"Maganda ka naman kahit dito"
Napatingin agad siya dito at nakatingin ito sa kanyang mukha
"P-Palabiro ka talaga Ser!" Yumuko tuloy siya upang itago ang kilig na kanyang nararamdaman
"Hmm medyo lang pala"
Napasimangot at napanguso agad siya sa pagbawi nito sa papuri sakanya
"Ser naman! Binawi pa!"
Natawa ito kaya napatingin siya sa napakaganda at mapuputing mga ngipin nito.
Oh my God mas gwapo pag nakangiti!
"Anyway you can rest now. Shoo go back to your room"
"Sakin nalang to Ser?" Tinutukoy niya ang drawing nito
"Nope. That's mine" Binawi nito sakanya ang papel na iyon
"Ser sakin nalang! Ano naman gagawin mo diyan? Eh ako po yan eh!"
Itinaas nito ang papel dahil gusto niyang bawiin iyon
Napapangiti ito dahil maliit siyang babae. At hindi niya tuloy maabot ang drawing nito
"It's mine. I'm gonna use this to scare mice" Nakangiting biro nito sakanya
Natawa rin tuloy siya at tinigil na niya ang pag abot sa papel dahil hindi rin naman niya iyon maabot
"Grabe ka Ser wala naman daga dito sa kwarto mo."
"Meron."
"Wala Ser ang linis linis nga nitong kwarto mo eh--"
"Sino yung crush mo?" Bigla nitong tanong kaya tuloy hindi agad siya nakasagot
"Po?"
"You said you like somebody else" Inilagay na nito sa blue folder nito ang drawing nito.
"S-Secret ko na yun Ser"
"Sino nga?" Seryoso nitong tanong sakanya
"B-Bakit ba kasi Ser? Basta hindi mo naman kilala eh" Nag iwas siya ng tingin dahil lalo itong gumagwapo sa kanyang paningin
"Tell me. Hindi kita palalabasin dito pag hindi mo sakin sinabi kung sino" Parang bata nitong sabi sakanya
"Ser naman. Secret ko na po yun"
"Why do you like him?"
"M-Mabait kasi siya"
"Yun lang? Tss"
Napangiti siya
"E-Eh ikaw Ser sino c-crush mo?" Nahihiyang tanong niya
"Why would i tell you?"
Lumapit ito sakanya
"E-Eh tinatanong mo kasi kung sino yung crush ko eh"
"Interested?"
"Bakit pag tinatanong ba kung sino yung crush interested na?"
Ngumiti ito "Yeah"
dumoble tuloy ang pag t***k ng kanyang puso dahil sa sinabi nito. Ibig bang sabihin interesado ito sakanya dahil tinatanong nito kung sino ang crush niya?
Namula agad ang kanyang pisngi
"B-Bahala ka nga diyan Ser. Balik nako sa ibaba baka hinahanap nako ni Manang Celia"
Nagmadali na siyang lumabas sa kwarto nito. Hindi na siya lumingon kung anong reaksyon nito.
Hangang sa nakababa na siya sa kusina palakas parin ng palakas ang t***k ng kanyang puso
"O Maria anong nangyari sayo diyan?" Pukaw sakanya ni Berna ng makita nitong ngumingiti siya mag isa sa isang sulok
"I think I'm inlove ate Berna!"
Natawa naman ito "Ngayon mo lang narealize? Jusko inday ako matagal ko nang napapansin pag ibig na yan"
Napangiti siya ng husto.
"Tama na yang pagtulala mo diyan inday luto luto na pag may time"
"Opo!"
Kinagabihan may tatlong text si Luke sakanya
From Ser Pogi : Oy
From Ser Pogi : Gising ka pa?
From Ser Pogi : Sino nga?
Napangiti siya at walang sounds na tumili sa mga text nito. Interesado ba talaga ito sakanya? Bakit kinukulit parin siya nito kung sino ba ang crush niya
Agad siyang nag reply upang matahimik na ito.
To Ser Pogi : Si Ser Kenjie!
Napangiti siya sa kanyang kalokohan. Hinding hindi siya aamin sa feelings niya para dito dahil baka pagtawanan lang siya nito.
Maya maya tumatawag na ito sakanya
"Hello Ser?"
"That asshole?"
Natawa agad siya
"Opo secret lang natin ha?"
Ewan ba niya pero kinikilig siya dahil pakiramdam niya nagseselos ito. Assuming na kung assuming!
"Wala kang taste"
Muli siyang tumawa
"Bakit naman Ser? Ang gwapo gwapo din ni Sir Kenjie--"
Naputol ang pag sasalita niya dahil nawala na ito sa kabilang linya
Lalo siyang natawa dahil binabaan siya nito ng cellphone
"Ser pogi masyado naman nagpapahalatang nagseselos hihi" Napayakap tuloy siya sa kanyang cellphone
Tinext niya agad ito
To Ser Pogi : Ser? Secret lang natin yun ha
Maya maya tumatawag nanaman ito
"Hello Ser"
"Akyat" Utos nito sakanya
"Po?"
"Go to my room now"
"G-Gabi na Ser"
"Now Maria" Seryoso nitong sabi sakanya
"O-Okay ser"
Dahan dahan naman siyang bumangon at lumabas ng kanyang kwarto. Nakapangtulog na siya na damit.
Nang makarating siya sa kwarto nito agad siyang kumatok doon
Suplado nitong mukha ang bumungad sakanya.
Napalunok siya dahil nakapajama lang ito at walang suot na pang itaas!
one
two
three
four
five
six
oh s**t may pang seven at eight na abs pa ito!
Hindi niya maiwasan mapatingin sa napakaganda nitong katawan. Para itong modelo na lumabas mula sa isang magazine!
Binuksan nito ang pinto upang papasukin siya. Sinundan nalang niya ito
"Here" May inabot ito sakanyang malaking photo album
"Ano po ito Ser?"
"Open it"
Binuksan naman niya iyon at nakita niya ang mga pictures ng magkakapatid na hoffman
"That's Kenjie and this is me. Can't you see the difference?" Inis nitong tanong sakanya
Tinuro nito ang picture ni Kenjie na bungi pa sa mga panahong iyon dahil five years old palang ang mga ito sa litrato. Samantalang si Luke naman ay namumula pa ang pisngi at maganda ang mga baby teeths nito
Hindi niya mapigilan mapangiti. Bakit naman nito pinapakita iyon sakanya? At bakit nito pinagkukumpara ang mga litrato nito?
"What's funny?"
"Wala po Ser" Pinipigilan niyang mapangiti
"Also Kenjie have girlfriends right now."
Hindi na niya mapigilan kurutin ang pisngi ni Luke dahil tuwang tuwa siya sa inaakto nito
Kahit pa naiilang siya sa topless nitong katawan
"Aww" Napahawak agad ito sa pisngi nito
"Sorry Ser ang kulit mo kasi." Nakangiting sabi niya habang nakatingin siya dito
"Sige na bumalik kana sa kwarto mo" Masungit nitong utos sakanya
"Okay Ser" Nakangiti parin siya dahil natutuwa talaga siya sa inaakto nitong suplado ngunit isip bata niyang amo
Hindi pa siya nakakalabas sa kwarto nito ng pigilan nito ang kanyang kamay
"One more thing"
Agad naman siyang lumingon dito at hindi niya lubos inasahan ang gagawin nito!
He kiss her cheek!!!!
Saglit siyang napatulala dahil kahit mabilis lang na dumampi ang lips nito sakanyang pisngi libo libong boltahe ang dinulot niyon sakanyang puso!
parang naiwan pa sa kanyang pisngi ang mainit nitong labi
"Good night. Shoo" Napapangiti nitong pag taboy sakanya bago nito sinara ang pinto ng kwarto nito
Automatiko naman umangat ang kanyang kamay upang hawakan ang kanyang pisngi. Ramdam niya parin ang matamis nitong halik sa kanyang pisngi
Oh my God.. Mahal na kita sheyt!