Chapter 9
"France sorry ha? Hindi tayo natuloy kahapon"
Kasalukuyan sila ngayon nasa loob ng kanilang classroom. Wala pa ang guro nila marahil absent raw ito sabi ng iba nilang classmate. Naghihintay pa sila ng confirmation kung absent ito para makalabas na sila ng classroom.
"It's okay Maria." Walang ka-ngiti ngiti nitong sagot sakanya. Napabuntong hininga pa ito.
"Nagtatampo ka ba France?"
Tipid itong ngumiti "I heard sinamahan ka ng boss mo kahapon"
Namula agad ang kanyang pisngi dahil naalala niya ang mga nangyari sakanila ni Ser pogi kahapon. Lalo na ang good night kiss nito sakanya! Hindi tuloy siya nakatulog ng maayos kagabi dahil sa halik nito sa kanyang pisngi. Parang lumulutang parin kasi ang puso niya sa cloud nine!
"Oo siya pa nga nag bayad eh. Ang bait talaga ni Ser pogi" Pagyayabang niya
Lalo naman nalungkot ang mukha ni France
"Do you like him?" Seryosong tanong ni France sakanya
"Siguro? Oo! Oo sobra! Ang gwapo gwapo niya kasi eh! At feel ko crush niya rin ako France!" Hindi niya mapigilan mag kwento kay France dahil ito lang naman ang kaibigan niya sa skwelahan nila
"Maria sasaktan mo lang sarili mo. Alam mo namang babaero sila Luke and Kenjie. I heard marami silang naging girlfriends."
Napanguso naman siya sa sinabi nito.
"Nega mo naman France malay mo naman--"
"Yeah maybe he will like you now but eventually hangang doon lang yun. Kung magpalit sila ng babae parang nagpapalit lang sila ng damit. Hindi pa mag seseryoso sa iisang babae si Luke. Lalo na ganyan ang mukha niya? Mayaman pa? Mag isip ka Maria"
"W-Wala naman siyang gf ngayon. Yun siguro yung mahalaga sa ngayon"
Napabuntong hininga si France
"What if maging gf ka niya tapos makipag break din siya sayo?"
"Eh what if kung hindi?" Kontra niya sa tanong nito
"Ayoko lang masaktan ka Maria. You're beautiful woman. And one of a kind. You don't deserve someone like him. Paglalaruan ka lang niya"
Napanguso tuloy siya ng husto.
"Alam mo France huwag muna natin isipin ang mga ganyang bagay kasi hindi pa naman nangyayari. Sabi ng tatay ko kapag raw pinoproblema mo na ang isang bagay o pangyayari na hindi pa nangyayari o hindi naman dapat problemahin, Para mo narin pinagdaanan ng dalawang beses ang problemang iyon"
Napabuntong hininga nalang ito at para bang marami pa itong gustong sabihin sakanya
Napalingon sila sa mga kaklase nila ng nagsimulang magtilian ang mga babae. Para bang may artistang dumating sa lakas ng tilian ng mga ito.
Parang huminto ang kanyang mundo ng makita niyang pumasok si Luke Anderson Hoffman sa loob ng classroom nila at nakatingin ito sakanya habang lumalakad ito papunta sa desk niya.
Palakas ng palakas ang t***k ng kanyang puso na para bang lalabas na iyon sa kanyang katawan.
Hindi niya mapigilan maalala ang munting halik nito sa kanyang pisngi kagabi.
"L-Luke"
Kahit tilian ng tilian ang mga babae sa paligid nito wala naman humarang sa dadaaan nito.
"Oy" Tawag nito sakanya habang namumula rin ang pisngi nito
Ano bang ginagawa nito sa classroom niya??
Mas lalo itong gumagawapo dahil parang nahihiya ito sakanya. She's starting to like the way he call her "Oy"
"B-Bakit Ser?" Nahihiyang tanong niya dahil nag uumapaw talaga ito sa kagwapuhan
Hindi ito nag salita bagkus may inilapag itong isang box na maliit sa kanyang table
"See you later" Para bang nahihiya pa ito sakanya bago ito tumalikod at nagmadaling lumakad na palayo
Mas lalo naman nag hiyawan ang mga babae dahil nasaksihan ng mga ito ang ginawa ni Luke Hoffman! Panigurado magiging hot issue iyon sa kanilang skwelahan
Samantalang naiwan siya nitong nakatulala at hindi makapaniwala sa mga nangyari
Ang tanging naririnig niya lang ay ang pagtibok ng kanyang puso.
"L-Luke"
Unti unti niya binuksan ang maliit na box na iyon na may ribbon pang kulay pula.
Isang susi ang laman nito.
"What's that?" Kunot nuong tanong naman ni France sa kanyang tabi
"H-Hindi ko rin alam. Itatanong ko sakanya"
Agad siyang lumabas ng classroom nila narinig niya pa ang pag tawag ni France sakanyang pangalan ngunit binalewala niya iyon at derederetso siyang lumabas sa classroom nila
Hinanap niya si Luke sa buong campus nila ngunit hindi niya ito makita
May nagsabi sakanya na baka umuwi na ito kaya naman naglakad nalang siya pauwi sa kanilang bahay. Wala naman kasi siyang pamasahe pauwi. Hayaan nalang niya ang last subject niya dahil baka absent rin naman ang guro nila
Medyo malapit lang naman ang skwelahan nila sa hoffman mansion kaya hindi rin siya masyadong napagod sa paglalakad. Mabuti nalang at makulimlim ang araw na iyon kaya hindi siya nag amoy araw.
"Oh Negra ang aga mo umuwi ha?" Bati sakanya ni Mang Doro ng pagbuksan siya nito ng gate. Alam na kasi nito ang oras ng uwian niya dahil ito ang palaging nag bubukas ng gate para sakanya
"Mang Doro nandiyan na ho ba si Ser Luke?"
"Oo medyo kanina pa. Pinapasabi niya sakin pumunta ka raw sa parking lot. Halika ihahatid na kita"
"Salamat po Mang Doro"
"Paglilinisin ka siguro ng kotse niya"
Napangiwi siya. Hindi man lang maisip ni Mang doro na maaring may something sakanila ni Luke? Linis agad ang nasa isip nito? Ano na Linis linis lang Mang doro?
Napangiti nalang siya mag isa habang sakay siya sa patrol car ni mang doro
Pag dating nila sa parking lot sakto naman naroon si Berna. Naglilinis ito ng ibang kotse ng mga hoffman.
"Ayan pala si Berna oh naglilinis ng kotse tulungan mo siguro?" Suwestiyon pa ni Mang Doro bago siya nito iniwan sa parking lot
"Ate Berna"
Napalingon agad si Berna sakanya
"O Maria nandito ka na pala"
"Ate nakita mo ba si Ser Luke?"
"Ayun oh! Kanina pa yan diyan sabi niya pag dumating ka pumunta ka raw dun! Chismis mo naman sakin anong meron neng!"
Napangiti agad siya ng makita ni si Luke habang nakasandal ito sa isang kulay puting kotse. Nakatalikod ito sakanila kaya hindi pa siya nito nakikita
Napapatingin pa ito sa relong pambisig nito.
"Secret ate Berna"
"Ang harot mo neng sige na lapitan mo na"
Kahit kinakabahan siya dahan dahan siyang lumapit sa pwesto nito
"S-Ser" Muntik pa siyang mapapiyok dahil sa kabang nararamdaman niya
Nang mapatingin ito sakanya automatiko itong napangiti. Lumapit ito sakanya at kinuha nito ang panyo sa bulsa ng pantalon nito.
"You look messed" Pinunasan nito ang pawis sa kanyang nuo. Dahan dahan iyon at para bang ingat na ingat itong punasan ang kanyang nuo at gilid ng kanyang pisngi. Samantalang nakatulala naman siya sa bawat galaw nito
Hindi pa ito nakuntento inipit pa nito sa likod ng kanyang tenga ang ilang hibla ng kanyang buhok na nakakalat sa kanyang mukha
Satingin niya naririnig siguro nito ang t***k ng kanyang puso dahil napakalakas nito
"S-Salamat Ser"
Nanlalaki naman ang mata ni Berna sa kanilang likuran habang nasasaksihan nito ang mga ginawa ni Luke sakanya
Nakatingin lang si Luke sa kanyang mukha na para bang namiss siya nito.
"S-Ser para saan po ito?" Pinakita niya ang maliit na box na binigay nito sakanya kanina
"Para sayo"
"Ano pong gagawin ko dito Ser?" Nagtatakang tanong niya
Tinapik naman nito ang kulay puting kotse sa gilid niya.
"This car is yours. I hope you like it"
Sabay pa sila ni Berna napanganga sa sinabi nito.
"H-Hala Ser bakit mo naman ako bibigyan ng ganyan?!" Hindi makapaniwalang tanong niya
Napakamot naman ito sa kilay nito
"Why? Bawal ba?"
"H-Huy Ser nababaliw ka na ba? Hindi ko po yan matatangap!"
Nawala unti unti ang ngiti nito
"You don't like it?"
"Ser hindi naman po sa ganoon! Wala po akong drivers license Ser at higit sa lahat hindi ko po talaga matatangap yan baka kung ano po isipin ng mga tao dito lalo na po ang family mo Ser"
Nalungkot ito at sumandal nalang ito muli sa puting kotse "Don't think about them Maria. It's my gift for you"
Gusto niyang mapangiti dahil ito ang unang beses niyang narinig na sinabi nito ang kanyang pangalan. Medyo slang pa iyon. Ang sarap tuloy sa kanyang pandinig.
"Ser hindi ko naman po birthday. Bakit niyo naman po ako bibigyan ng kotse?"
"Neng! Excuse me lang Ser Luke ha medyo mahina kokote nitong alaga ko eh." Singit ni Ate Berna sa kanilang pag uusap ni Ser Luke
Napatingin tuloy sila dito dahil nakapamewang pa itong pumagitna sakanilang dalawa
"Neng kaya ka binibigyan ni Ser ng regalo dahil gusto ka niyang ligawan! Ang hina mo naman!"
Nagkatinginan tuloy sila ni Luke at sabay na pinamulahan ang kanilang mga pisngi. Agad siyang yumuko at kinurot niya ng pasimple si Ate Berna
"Tama ba ako Ser Luke?" Tanong pa nito kay Luke
"Uhm. Y-Yeah" Pag-amin nito
Nanlaki naman agad ang kanyang mata dahil sa pag amin nito na panliligaw ang ginagawa nito! For real?!
"Ang haba ng hair mo neng!" Pasimple siya sinabunutan ni Berna
"A-Ano ka ba Ate Berna huwag mong pilitin si Ser Luke"
"Ay shonga! Nililigawan ka ni Ser Luke kaya ka niya binibigyan ng kotse!"
Napayuko tuloy siya at hindi niya alam ang kanyang sasabihin.
Pwede bang huwag na itong manligaw at maging nobyo na agad niya ito? Jusko wala siyang karapatan ligawan nito dahil napakalayo ng level nito sa isang simpleng babaeng katulad niya
Kinalabit ni Berna si Ser Luke kaya napapangiti tuloy si Ser pogi. Mukhang natutuwa ito kay Berna dahil napapadali ang pangliligaw nito
"Pero Ser hindi ganyan ang tamang panliligaw. Hindi nakukuha sa materyal na bagay ang mga babae. Gusto mo ba talagang ligawan tong alaga ko ha?"
Kabang kaba siya sa isasagot ni Luke. Napahawak tuloy siya sa kotse dahil nang hihina ang tuhod niya
"Yeah I'm serious"
Parang nalaglag ata ang kanyang puso mula sa pinaglalagyan nito dahil sa sinabi ni Luke
"Anak ng patis! Ang swerte mo talaga Neng!" Kilig na kilig naman si Ate Berna at niyuyogyog pa nito ang kanyang braso
Inawat naman ito ni Luke
"You might hurt her" Saway nito kay Berna kaya lalo pang nadagdagan ang kilig nila
"Ay jusko ang protective naman!" Tili pa ni Berna
Samantalang napapangiti sila sa isat isa ni Luke marahil nararamdaman rin nito ang saya na nararamdaman ng kanyang puso
"Ser tuturuan kita kung paano mo liligawan ng maayos tong alaga ko. Ayos ba Ser?"
"Thanks" Nakangiting pasasalamat nito kay Berna habang namumula ang pisngi nito
"Teka Maria pinapayagan mo bang ligawan ka ni Ser Luke?"
"Oo naman!" Napalakas niyang sagot kaya napatakip agad siya ng kanyang bibig
"Ay gaga bumibigay agad! Magpaligaw ka muna para malaman natin kung seryoso ba sayo si Ser" Bulong nito sakanya
Napangiwi nalang siya
"I'm sorry. I'll try my best next time" Sabi nito bago nito ginulo ang kanyang buhok
Kilig na kilig naman si Berna na para bang hindi ito makapaniwala sa nangyayari
"A-Ayos lang Ser. Better luck next time" Ngumiti siya ng isang matamis na ngiti
kaya naman napangiti narin ito
"Yeah. Wag mo ko babastedin" Utos nito sakanya na ikinatawa nilang dalawa ni Berna
"Hindi ka babastedin nitong si Maria basta sundin mo lang ituturo ko sayo Ser"
"I-It's my first time. I don't have any idea"
Parang natutunaw tuloy ang kanyang puso. Gusto na nga niya itong yakapin at sabihin dito na sinasagot niya na ito eh! Pero tama rin si Berna kailangan patunayan nitong seryoso ito sakanya
"Ganda mo neng!" Sinabunutan siya nito ng pabiro
"Ey.." Awat muli ni Luke dito dahil sinasabunutan siya ni Berna sa harap nito
"Sorry Ser biro lang yun. Sobrang protective naman aysus ginoo! Sana all!"
Sabay nalang silang napangiti sa isat-isa.