Chapter 35 "Maria anak huwag ka ng magalit?" "Tay bakit niyo naman kasi pinipilit si Ser Luke pakasalan ako? Ayaw niyo bang kusa niyang gawin iyon?" Masama parin ang loob niya sa kanyang tatay kahit apat na araw na ang nakakaraan simula ng iuwi siya nito sa kanilang probinsya Hindi niya kasi nagustuhan ang pagpupumilit ng kanyang tatay na pakasalan muna siya ni Luke bago sila magsama. Naghuhugas siya ng pingan sa mga oras na iyon ng lapitan siya ni mang jose dahil hindi na nito kinakaya ang pagtatampo niya. Hindi niya kasi ito kinakausap sa loob ng apat na araw madalas lang siyang nasa loob ng kanyang munting silid "Anak para saiyo rin naman iyon. Ayaw mo ba siyang maging asawa agad?" Tinignan niya ng masama ang kanyang tatay. Napangiwi agad ito at napakamot sa manipis nitong buhok