Chapter 36 Hindi alintana ni Maria ang pagod sa pag aalaga kay Luke habang nasa hospital ito. Dalawang buwan na itong comatose. Matindi ang head injury na natamo nito sa aksidente ngunit hindi parin nawawalan ng pag asa si Maria na balang araw ay magigising rin ito. Kasalukuyan niya itong hinahaplos sa buhok nito habang wala parin itong malay. May mga sugat ito sa gwapong mukha at katawan nito ngunit unti unti na iyon nag hihilom dahil araw at gabi niyang ginagamot ang bawat sugat nito. Napinsala rin ang isang binti nito na kailangan pang operahan ng mga doctor. Mabuti nalang sa awa ng diyos matagumpay na naraos ang operasyon nito. Mula ng dalhin ito sa hospital hindi na niya ito iniwanan. Nagpapadala lang siya sa kanyang tatay jose o kay ate berna ng kanyang damit. Si berna rin an