Chapter 20 Kumatok si Maria sa pinto ng kwarto ni Kenjie. Wala pang isang minuto ng pagbuksan agad siya nito ng pintuan "Hi Maria" Nakangiting bati sakanya ni Kenjie. Napataas agad ang kilay niya ng mapansin na naka boxer shorts lang ito. Maganda ang pangangatawan nito katulad ni Luke. Walang kapintasan ang magkakapatid na ito. Ngunit napansin niyang may maliit na peklat ito sa bandang dibdib nito Napatitig tuloy siya sa dibdib nito "Ano yan?" Hindi niya mapigilan ituro ang peklat nito sa bandang dibdib "Muscles ko yan" Pilyong sagot nito bago nito luwangan ang pintuan at patuluyin siya sa loob ng kwarto nito "Ang gulo ng kwarto mo" Puna niya sa kwarto nito. Magulo ngunit malinis naman ang kwarto nito. Ang problema lang kung saan saan nakakalat ang mga libro nito Pinulot niya agad