Chapter 21 "Neng nandiyan na si Ser Luke. Hindi ka ba talaga lalabas dito?" Walang kasing bilis ang t***k ng puso ni Maria sa mga oras na iyon. Kasalukuyan siyang nasa loob ng kanilang kwarto ni Berna. Hindi niya kasi alam kung paano pakikiharapan muli si Luke Anderson Hoffman. Limang taon simula ng umalis ito walang araw na hindi niya ipinagdasal na sana bumalik ito upang balikan siya. Ngunit ngayon nandito na ito sa Pilipinas at narito na ito muli sa mansyon para bang hindi parin siya makapaniwala. "H-Hindi na siguro ate Berna. N-Nahihiya ako" Napabuntong hininga si Berna "Sabagay nariyan rin lahat ng magkakapatid na Hoffman at ang parents nila kaya naiintindihan kita" Huminga siya ng malalim "Pakisabi nalang kay manang Celia masama ang pakiramdam ko" Which is true. Simula ng