Chapter 22 "Timpla mo kong kape" Napa-angat ang tingin ni Maria kay Luke ng bigla nalang itong sumulpot sa kusina habang nagluluto siya ng itlog. Naupo ito sa isa sa mga upuan doon sa mahahabang lamesa ng main dining room na katabi lamang ng kusina kung saan siya nagluluto sa mga oras na iyon. Alas-sais palang ng umaga kaya naman hindi niya inaasahan na ganito kaaga ito magigising. Lalo na't kararating lang nito kagabi mula California. Wala ba itong jet lag? Nagpalingon lingon siya sa paligid. Wala namang ibang tao roon. Kundi siya lamang. "Ako Ser?" Tanong niya habang nakayuko ito sa cellphone nito Tumingin ito sakanya bago naghikab. Mukhang antok na antok pa ito. "Yeah" "W-With cream Ser?" Tanong niya habang pasimple niya itong tinititigan. Medyo magulo pa ang buhok nito. Na