Chapter 23 Kahit ilang beses na niyang pinagtulakan si Luke upang huwag itong sumama sa blind date niya ay heto parin ito at nagpupumilit sumama sakanya. Napaaga ng kaunti ang dating niya sa restaurant kung saan sila magkikita ng ka-blind date niya Sila palang dalawa ni Luke ang tao roon maliban sa mga crew members ng restaurant Very calm and classy ang napiling restaurant na iyon ni France para sakanilang dalawa ng ka-blind date niya. Noon pa man maayos na talagang inaasikaso ni France ang mga blind dates niya, ayaw nito sa gabi siya makipag date dahil baka raw kung saan siya dalhin mas mabuti na raw na umaga siya makipag date. "Ser umuwi kana. Baka abutan ka pa ng kadate ko.." "Hindi ko dala yung wallet ko kaya sasabay ako sayo pauwi" Balewalang sagot nito sakanyang tabi Nakaupo