Chapter 28 "Welcome to El Nido miniloc resorts!" Sabay sabay na pag bati ng mga crew members ng naturang resorts na iyon kay Maria at Luke ng makarating sila sa kanilang pagbabakasyonan Hindi maalis ang ngiti sa labi ni Maria dahil mala-paraiso ang lugar na iyon. Hindi nga bagay ang kanilang suot suot sa naturang lugar dahil suot parin nila ang kanilang mga damit mula sa kasal ni Kenjie at cassy. Mukhang espesyal na bisita sila ng resort na iyon dahil lahat halos ng crew member doon ay sinalubong sila pagkababa nila sa speed boat na si Luke mismo ang nag drive patungo roon sa resort na iyon. Pakiramdam niya tuloy para silang bagong kasal. Nauna pa ang honey moon! "Thanks!" Nakangiting pasasalamat ni Luke sa mga ito. "Salamat po" Pasasalamat niya rin habang panay ang tingin niya sa buo