Chapter 29 (Diane POV) "Congrats Kenjie! Congrats Cassy!" "Thanks Diane" Nakipagbeso-beso si Diane sa bagong kasal na si Kenjie at Cassy. Kakarating lang kasi niya sa wedding reception ng mga ito. She was so drunk last night kaya late na siyang nagising. Tumakbo nalang siya sa pinakamalapit na salon at agad siyang dumeretso sa kasal ni Kenjie at Cassy. "I'm so sorry nalate ako.." "It's okay. No worries" Sagot ni Kenjie Samantalang nakangiti lang ang asawa nitong si Cassy. "By the way where's Luke? Kanina ko pa kasi siya hinahanap--" "Nagtanan na yun si honey ko kasama si Maria" Tila kinikilig pang sambit ni Cassy na para bang hindi nito iniisip kung masasaktan siya Kahit pa alam ng mga ito na pretend girlfriend lamang siya ni Luke all this time. She met Luke in California. Hindi