MEDICAL HOSPITAL Kaagad ipinasok sa Emergency Room si Rick. Nang bumukas ang pinto ng E.R ay natanaw ko na doon si Nick na pinapalibutan ng mga doctor na may mga kaniya-kaniyang hawak na gamit sa pang-opera o pagkuha ng bala sa katawan ng pasyente. Sumarang muli ang pinto at naiwan ako dito sa labas. "Sit down, Cail para makapagpahinga ka. I'll just buy bottled water or are you hungry? Bibilhan na lang kita ng food," sabi ni Cedric na narito pa rin sa aking tabi. "Tubig na lang," mahinang sagot ko habang nakayuko at natutulala pa rin sa mga pangyayari. Hindi ko rin naman makukuhang kumain at hindi ako nakakaramdam ng gutom. Ipinasuot sa akin kanina ni Cedric ang kanyang coat at ang robe naman ay itinakip ko sa katawan ni Rick na hubo't hubad. Gusto kong purihin ang katawan niya nang