Nanlaki ang aking mga mata nang biglang paputukan at tamaan pa ng tatlong beses si Nick sa katawan. Lumupaypay siya mula sa kanyang pagkakatali. "Tama na 'yang drama na 'yan! Tapusin na natin 'to!" sigaw ni Howard. Hinanap siya ng aking paningin pero mabilis na siyang nakapagtago. Maging si Estella ay agad nawala sa aming harapan. Kinuha ko ang susi sa aking bra at sinubukang kalasin ng mabilis ang posas ng dalawa. Inuna ko si Nick na halos 'di na gumagalaw. Pagkatanggal ay agad siyang bumagsak. Hindi ko muna siya pinansin at agad ko ring binalingan si Rick. "Baby," bulong niya sa akin habang hinahalik-halikan niya ang mukha ko. Hinayaan ko na lang siya at pilit kong kinalma ang sarili ko upang madali kong matanggal ang pagkakaposas niya sa likod. Nang matanggal na ang kanyang pagkak