Matapos naming mailabas si Johannes mula sa bilibid ay pinagbigyan muna namin siya sa request niyang date kay Nancy at kaming dalawa ni Cedric ang tumulong sa kanilang dalawa upang magkita for the first time. After that ay sinimulan na namin ang paghahanap sa mga lungga ni Colton. Kinakailangan namin si Johannes dahil siya lang ang nakakaalam ng safehouses ni Colton at kung paano ito mamalakad at kumilos. Bukod doon ay si Colton rin ang pumaslang sa pamilya ni Johannes at ganoon din sa aking ama. At siyempre ginawa lang din 'yon ni Colton dahil sa utos ng nakatataas sa kanya. Kaya naman walang lugar si Johannes sa bilangguang 'yon. Mali man ang paraan namin pero hindi na kami makapaghihintay pa dahil marami pang proseso bago mailabas si Johannes at baka kapag dumating na ang panahong '