"Why are you always with Erhwin these days? Nagseselos na 'ko," nakasimangot na sabi ni Rick habang sumusubo ng beef stake. Narito kami ngayon sa isa sa mga restaurant nila sa BGC Taguig. "Bakit ka magseselos do'n, eh mas pogi ka naman do'n," walang reaksyong sagot ko habang diretso lang ang aking paningin sa pagkain pero tinitingnan ko ang reaction niya mula sa side ng aking mga mata. Nakita kong napangiti siya pero sumimangot ulit, "I'm handsome than him but he's always with you." "Eh 'di sa bahay ka na tumira," wala sa sarili kong sagot pero 'di ko alam na seseryosohin niya pala. "T-talaga?!" malakas niyang tanong at tila 'di makapaniwala sa kanyang narinig. "Joke lang," kaagad kong bawi at sumimangot naman siyang muli. Mahirap pala itong biruin. Natawa naman ako sa kanya. "Nar