Lewis'Pov "Kung naalala mo na ang ilang memories nyo ni Momack at nalilito ka, di hindi na tuloy ang plano mong proposal kay Aria?" Tanong ni Kurt. Naikwento ko sa kanila ang mga naalala ko. Tumingin ako sa kanilang nag-aabang ng sagot. "I don't know if i still love Aria" nahihiyang sabi ko. "Wooohoooo!!!" Si Ivan bigla nalang nagtatalon sa tuwa. Tarantadong to, anong nakakatuwa sa sinabi ko? Habang sina Jet naman ay tawang tawa. Seryoso ako sa sagot ko tas biglang ganito sila! "Ivan maupo ka nga! Gago!" Suway ko sa kanyang pasayaw sayaw pa. Ulol na to' "Hahaha! Masaya lang boss" Napailing iling lang ako. "So, what's you're plan now?" Seryosong tanong ni Kurt. "Hindi ko na itutuloy ang proposal naisipan ko lang naman yun dahil sa pesteng nagpapalito sa damdamin ko" paliwanag ko

