Pakiramdam ko para akong mabibingi sa lakas ng t***k ng puso ko habang mahigpit pa ring nakayakap sa'kin si Lewis. Hindi ako makagalaw sa tayo ko at nanatili lang akong nakaamang habang nanlalaki ang mga mata. "L-lewis." Sa wakas nakapagsalita na rin ako. Hindi pa rin siya bumibitaw. Ipinatong pa niya ang ulo niya sa balikat ko. "Hmm?" "P-paano si Aria?" Doon lang siya tuluyang napabitaw. Humiwalay siya sa pagkakayakap at tumingin sa'kin. Umiling siya na kinakunot naman ng noo ko. Bigla tuloy akong nakakakutob. "Huwag mo sabihing..." "Oo, wala na kami," pagtuloy niya sa sasabihin ko. Hindi ako nakapagsalita sa gulat. Pinanuod ko lang siyang muling naupo sa harap ko. "B-bakit?" muli kong tanong. Hindi ko maintindihan, nagugulat talaga ako sa mga nangyayare. Parang kailan lang noo

