Chapter 38: Conspiracy THIRD PERSON'S P.O.V Matapos mag-usap ni Kara at Reeve sa dining area nagpasiya na lang si Kara na magkulong sa kwarto niya habang doon naglabas ng sama nang loob niya. Napatunayan kasi ni Kara na kahit pa magkaalaman sila sa huli na siya ang tunay na Kara ay hindi na siya mamahalin pa ni Reeve gaya ng dati dahil kitang-kita ni Kara kung gaano niya kamahal si Carina. Hindi tuloy maiwasan ni Kara na makaramdam ng selos kay Carina at hindi rin maiwasan hilingin ni Kara na sana ay siya na lang si Carina para sa kanya nakatuon ang atensyon ni Reeve. Pakiramdam kasi ni Kara ay kahit ano pa ang gawin niya ay hinding-hindi na siya magagawang mahalin ni Reeve dahil sobrang lalim na nang nararamdaman ni Reeve para kay Carina at alam ni Kara na kahit kailan ay hindi niya