Chapter 37: Discussion THIRD PERSON'S P.O.V Walang kabuhay-buhay na umuwi si Reeve sa mansyon matapos ang pag-uusap nila ni Carina. At kahit na nakabalik na si Reeve sa mansyon ay grabe pa rin ang bigat na nararamdaman niya dahil sa bigat ng mga katagang binitiwan ni Carina sa kanya kanina. Nagtuloy-tuloy na lamang sa kusina si Reeve saka naghalungkat ng alak na maiinom sa kitchen cabinet. Nang makita ni Reeve ang isang bote ng whiskey ay mabilis niyang kinuha ang kahon ng alak saka iyon dinala sa dining area. Mabilis na kumuha si Reeve ng baso saka nagsalin doon ng maiinom at saka niya mabilis na nilagok ang laman ng baso. Napapikit na lamang ng mariin si Reeve ng maalala niya ang itsura ni Carina ng makita niya ito. Mukhang sobrang nasaktan si Carina sa nasaksihan nito at wala