Chapter 36: Attempt THIRD PERSON'S P.O.V Inabot na rin ng gabi sila Carina nang matapos silang mag-usap na magkakaibigan. Bukod pa dun ay hindi kaagad tinapos ni Carina ang pakikipag-usap sa mga kaibigan niya dahil ayaw niyang mag-isip na naman ng kung anu-ano kapag mag-isa siya sa kwarto niya. Isa pang dahilan kung bakit nagtagal si Carina kasama ang mga kaibigan niya dahil ayaw agad ni Carina na umuwi sa bahay ng ina niya dahil pakiramdam ni Carina ay alam ng kanyang ina na may pinagdadaanan siya. At dahil pinaka-ayaw ni Carina nakikita siya ng ina niya na mahina at nalulungkot ay nagpasiya na lamang siyang sa mga kaibigan niya na lang si Carina maglalabas ng sama nang loob niya. "Carina, mag-iingat ka sa pag-uwi. Tawagan mo lang kami kapag pakiramdam mo ay nalulungkot ka huh?" sab