Chapter 47: Sudden Realization CARINA'S P.O.V Kinabukasan ng magising ako ay alam ko na kaagad na babalik ulit ngayon si Reeve kaya habang maaga pa lang ay nagpaalam na ako kay Nanay na makikipagkita ako sa mga kaibigan ko. At dahil nag-message na ako sa mga kaibigan ko na makikipagkita ako sa kanila ay alam ko na agad na mauuna sila sa akin dun sa coffee shop kung saan kami magkikita ngayon. Nang makababa ako sa taxi na sinakyan ko ay nagbayad lang ako ng pamasahe saka ako naglakad kaagad papasok sa coffee shop. Pagkatingin ko pa lang sa paligid ay natanaw ko na kaagad ang dalawang kaibigan ko na mukhang kanina pa sa akin naghihintay. Pagkalapit ko sa kanila ay mabilis naman nila akong pinaupo sa tabi nila dahil nasa may table kami na may mahabang sofa. Pagkaupo ko ay nakita ko kaa