Chapter 46: Substitute CARINA'S P.O.V Pagkatapos naming mag-usap ni Reeve ay agad naman siyang nagpasiya na iuwi muna ako kay Nanay dahil baka sobrang nag-aalala na sa akin si Nanay. Kaya pumayag na lang ako na umuwi muna dahil hindi ko na rin masyadong kinakaya ang ambiance ng hospital dahil kung anu-anong pumapasok sa isip ko kapag naaalala ko si Kara. Tahimik lang kami ni Reeve buong byahe dahil napapaisip pa rin ako kung bakit gusto niya pa rin ako manatili sa tabi niya kahit na alam niyang si Kara talaga ang tunay niyang asawa at hindi lang basta impostor. Hindi ko tuloy maiwasan ang umasa sa pinapakita ni Reeve sa akin dahil kahit na alam niyang si Kara talaga ang kasama namin sa mansyon ay pinapakita pa rin sa akin ni Reeve na hindi niya ako iiwan dahil mahalaga ako sa kanya.