Chapter 44: Revelations THIRD PERSON'S P.O.V Para silang nabingi lahat sa lakas ng putok ng baril at na-realize lang nilang lahat ang nangyari ng makita nilang nagsimulang dumugo ang likuran ni Kara na nakadagan sa katawan ni Edward. "N-no! Kara!" natauhan lang sila Carina at Reeve nang tuluyan ng marinig nilang sumigaw si Cedric. At kahit na nahihirapan itong kumilos ay mabilis nitong hinila ang katawan ni Kara palayo kay Edward. Mabilis na pinahiga ni Cedric ang katawan ni Kara sa binti niya at hindi na napigilan ni Cedric ang mapaiyak nang tuluyan dahil narinig niya ring napaubo si Kara at kasabay nun ay may lumabas na ring dugo sa bibig ng dalaga. "F*ck, Kara! W-why?! Why did you jump on that assh*le? W-why would you sacrifice y-your safety like that? Why?!" Cedric asked Kara