Chapter 43: Accident THIRD PERSON'S P.O.V Nang magtagumpay sila Reeve sa pagpasok sa loob ng abandonadong mansyon kung saan dinala si Carina ay agad din namang dinala ni Kara si Reeve sa isang sulok. "Lucas, manatili ka muna rito hangga't hindi pa dumadating ang back up mo. Kakausapin ko lang din muna si Carina at Cedric para maging handa sila." seryosong bilin naman ni Kara kay Reeve. Hindi naman sumagot si Reeve at piniling makinig na lang sa utos ni Kara. Pagkatapos nun ay nakita naman ni Reeve na naglakad si Kara papasok sa isang kwarto at nakita rin naman ni Reeve na may nagbabantay sa labas ng kwarto. Tiningnan na lamang ni Reeve ang phone niya at sinigurong naka-silent iyon para hindi iyon lumikha ng ingay kapag nakatanggap na siya ng reply kay Reese. Habang si Carina naman ay