Chapter 34: Counsel CARINA'S P.O.V Nang magising ako kinabukasan ay naramdaman ko kaagad ang bigat ng aking katawan. Naramdaman ko rin ang pagmugto ng mata ko dahil sa kakaiyak ko kagabi kaya naman ng muli kong naalala ang bagay na iniiyakan ko kagabi ay mabilis kong kinuha ang aking phone saka nag-iwan ng mensahe sa mga kaibigan ko. Pagkatapos nun ay dumiretso na ako sa banyo at saka ako nagpasiyang maghilamos para matanggal na rin ang pagmugto ng mga mata ko at saka ko kinalkal ang dating cabinet ko sa kwarto ko. Nang makita ko ang mga dati kong make-up set ay agad kong ginamit iyon para takpan ang pamumugto ng mata ko dahil alam ko na kapag nakita ni Nanay ang itsura ko ngayon ay magtataka iyon. Kaya ng matapos na akong maglagay ng make up sa mukha ko ay agad akong nagbihis at sak