Chapter 33: Heartache THIRD PERSON'S P.O.V Ang unang naisip ni Carina ng makasakay siya sa taxi ay ang makalayo sa mansyon ni Reeve. At habang nasa byahe ay hindi napigilan ni Carina ang mapaluha dahil sa paninikip at pagbigat ng kanyang dibdib. Sobrang napamahal na siya sa lalaki at hindi akalain ni Carina na ganun din pala kasakit na mahuli niya ang dalawa na may ginagawang milagro habang siya ay walang alam sa mga nangyayari. Pakiramdam tuloy ni Carina ay pinagmukha siyang tanga ng dalawa. Bukod pa dun ay nagsisimula na rin kasi siyang umasa kay Reeve na mamahalin din siya ng lalaki pabalik ngunit nagkamali siya ng akala. Naisip tuloy ni Carina na kung hindi niya na lang sana hinayaan ang sarili niya na mahulog at umasa kay Reeve ay hindi niya sana mararamdaman ang sakit sa puso ni