Chapter 127 Ingat na ingat na hinila ni Rusco ang pinto sa kwarto ng mga bata. Pagkatapos ng laro ay nagyaya ang mga ito na maligo raw at matutulog sila. Ngayon ay naghihilik na. May dalawang yaya sa loob, sila na muna ang bahala. Si Sassy ay nasa sala, binibigyan ng sakit ng ulo si Adams. Kaming mag-asawa? Siyempre sa kwarto. Sabi nga ni Rusco... ito'y isang pagkakataon. Grab the chance! Pagdating sa kwarto ay naisipan muna naming mag-shower. Yes, shower lang. Pinagpawisan din kasi kami sa ilang oras sa garden. Nakipaglaro pa. Kaya medyo malagkit din sa pakiramdam. Nang nagtutuyo na ako ng buhok ay binuksan ni Rusco ang TV at hinayaan iyong nagpla-play. Sakto namang isang palabas ang naroon. Kaya humarap na rin ako sa TV. "Hi, Melody! Kumusta ka?" iyon ang tanong ng babaeng lead ng

