Chapter 128 Tahimik ang asawa ko. Ilang oras pagkatapos naming napanood ang interview ni Melody ay ganito na siya sa akin. Nakadistansya at kapag kinausap naman ay kung ano lang ang tanong mo, iyong kakarampot lang na sagot ang ibibigay niya. Hindi ako sanay. Ayaw ko ng ganito. Nang nasa balcony siya at abala sa laptop niya, lumapit na ako at umupo sa tabi niya. Agad namang itinigil ni Rusco ang ginagawa niya. Narinig ko pa ang pagbuntonghininga nito. "Speak, Rusco. Sabihin mo sa akin kung ano ang iniisip mo. Hindi ako sanay na ganyan ka katahimik. Mas gugustuhin ko pang marinig ang opinion mo kaysa tahimik ka't sinasarili ang iniisip mo." "Hindi ako comfortable, Garrie. Kung noon ay hindi ako takot na lumabas ang mga videos namin ni Carrie... ngayon ay sobrang takot na ako. May mga a

