Chapter 129 Tunog nang tunog ang phone ko. Mga bigating tao sa showbiz na nais akong ma-interview. Pero isa sa mga iyon ay wala akong sinagot. Mukhang pa-lowbat na nga iyon pero wala pa rin akong pakialam. Walang pasok ang kambal dahil sa holiday. Kaya narito lang din kami sa bahay at walang reason para lumabas. Itong lugar lang na ito ang alam kong lugar na hindi tatangkaing pasukin ng mga reporter. Sa entertainment news ay halos ako ang laman. Paanong hindi nila pag-aaksayahan ibalita, malaking scoop ito para sa kanila. Trending ba naman. Bawat labas ng article and videos sa social media, millions ang reactions and share. Tiba-tiba sila. Si Rusco na pumasok sa office ay nagsabing huwag ko raw siyang alalahanin. Kaya niya ang sarili niya. "Ninang Mama, ano pong sasabihin ko sa hara

