Chapter Sixty-eight Sa sobrang galit ni mommy, umalis sila. Hindi matanggap na may upper hand ako sa mansion na ito. Nang pumanhik ako sa kwarto ay agad na nagtanong si Rusco. "Anong napag-usapan n'yo, baby?" "Halos wala naman, lumayas sila. Nagtaas kasi ng boses. Kaya sinabi ko na kung hindi nila kaya, palalayasin ko sila." Yumakap ito sa akin. "Very good, baby! Ngayon turuan mo na ako kung paano maglagay ng napkin." Aliw na tumango ako rito. Saka inutusan ko itong kumuha ng panty. Nasa kama ako't nakaupo na. Nang lumabas si Rusco galing walk-in closet ay ipinakita nito ang panty na kinuha niya. Dalawa. Dalawang t-back. "Rusco, bakit naman ganyan ang panty?" ani kong napapakamot sa ulo. "Hindi ba ito, Garrie?" pinaikot pa niya sa daliri niya. "Saan ilalagay iyong napkin d'yan? Pa