Chapter Sixty-nine Trust. Iyon ang kailangan kong ibigay ng buo sa asawa ko. Mahal niya ako. Kailangan ko lang pagkatiwalaan siya at hindi ang salita ng isang tao na sagad ang galit sa akin. Lumipas ang mga oras. Gising na gising pa rin ako. Hinihintay si Rusco na nangako kanina na uuwi rin agad. Ngunit 1 am na, wala pa rin ito. 1:20 am, dumating ang lalaki. Halata sa mukha ang pagod. Ang huling sinabi ng aking ina ay pumasok daw ng kwarto ang mga ito... ano ang ginawa roon? I don't know. Ang alam ko lang ay dapat kong pagkatiwalaan ang asawa ko. Mahal niya ako, iyon ang dapat kong panghawakan. Nang nakita nitong gising pa ako ay biglang lumamlam ang expression ng mukha nito. Lumapit siya sa akin. Yumakap. As if pagod na pagod at nakakita ng pwedeng makaalis ng pagod niya. Yumakap