Chapter Thirty-five Nagising ako dahil sa mahigpit na yakap sa akin. Pakiramdam ko rin ay parang may tumutusok sa pang-upo ko, nang gumalaw ang lalaking mahigpit na nakayakap sa akin ay mas naramdaman ko pa iyong 'bagay' na sa tuwing dumidikit sa pang-upo ko ay nagdadala sa akin ng kilabot. Natauhan ako. Sinubukan kong kumawala sa pagkakayakap nito. Nagising naman ang lalaki. "Good morning," paos ang tinig ng lalaki, nang lingunin ko ito ay agad nitong inabot ang batok ko saka kinabig ako't hinalikan. What the f**k? Yuck! Hindi pa kami nagto-toothbrush. Saka ang pinaka-issue roon, bakit niya ako hinalikan? Pinilit kong itinulak ang lalaki. Nang titigan ko ito ay parang wala man lang regret ang isang ito. "What are you doing, Rusco? Bakit mo na naman ako hinalikan?" nakasimangot na tano