Chapter Thirty-four "Hindi ka makaintindi, Rusco! Sinabi ko nang kailangan kita, talagang kaya mo akong tiisin?" frustrated na ani ni Carrie. Papasok pa lang ako ng kwarto, kaso nahinto dahil napatingin ang lalaki na nasa couch, sa nakuha naming room ay may dalawang kwarto na tag-isa naming uukupahin ng gobernador. May hawak itong beer at mukhang nakarami na siya, si Carrie na nasa phone ay salita pa rin nang salita habang tahimik lang ang lalaki. "Ipinaliwanag ko na sa 'yo, Carrie. What is wrong with you?" frustrated na ani ni Rusco. "Paulit-ulit na lang tayo. Hindi nga kaya kung bibiyahe pa ako. Binigyan kita ng option, na ikaw ang pumunta rito dahil 2 days naman ang rest day mo. Pero ayaw mo. Hindi naman pwedeng ako na lang palagi ang mag-a-adjust for you. I love you... pero nagiging