Chapter 136 Garrie "Tulog na ang mga bata," mahinang anas ko paglabas ng kwarto. Maaga silang nakatulog dahil napagod kalalaro. After class nila, maaga ring umuwi si Rusco para maka-bond ang mga ito. Ilang oras na laro, kaya after dinner ay antok na talaga. Inakbayan ako ng asawa ko. "Tara na pala sa kwarto, wife. Mag-practice tayo para sa baby number 4 na gagawin natin next year or next next year," pabirong ani ni Rusco na ikinatawa ko. "Sige," ani ko. Gusto rin naman. Pero biglang bungad ni Sassy. Hinihingal pa. Galing ito sa baba. "Yes, Sassy?" ani ni Rusco sa babae. "Si mommy ko... mommy mo---" "Mommy ko?" ani ni Rusco. "Hindi! Hindi! Mali. Mommy mo," sabay turo sa akin. "Mommy ko?" todo tango na lang ito. "Nasa baba... sa labas... kakausapin ka raw." Takang napatingi

