Chapter 137 Carrie Ngumangawa si mommy dahil lang hindi niya nakuha si Garrie. Of course, bakit naman kasi sasama ang kakambal ko sa aming ina, right? Sino ba namang tanga ang sasama rito after everything na nangyari sa aming pamilya. "Stop it! It's annoying na, mommy!" singhal ko rito. Nakakapagod na ang ingay nito. "Carrie, help me! Iuwi mo na rito si Garrie. Please naman, anak." Pakiusap nito. "No. Paulit-ulit na lang tayo. Pikon na pikon na ako, mommy. Hindi babalik dito si Garrie. Naintindihan mo?" sinulyapan ko ang dalawang bantay na naghihintay lang ng hudyat ko. Alam kong babalik at babalik pa rin ang aming ina kay Garrie. Kaya kailangan mapigilan na ito. "Ipasok ninyo sa kwarto," utos ko. Agad namang tumalima ang mga tauhan. "Anong gagawin ninyo sa akin?" agad na tanong ni

