Chapter Six
"Señiorita, may ilog po malapit dito. Baka gusto n'yo pong maligo---"
"Gusto ko! Gusto ko!" nabahiran agad ng excitement na ani ko. 8 am pa lang, tulog pa rin si Carrie kaya narito pa rin kami sa taniman. Puno na ang basket ko ng iba't ibang prutas. "Pwede tayong pumunta ngayon doon?"
"Opo, Señiorita. Papayagan naman tayo ni governor," nilingon ko agad ang lalaki.
"Pwede ninyo siyang samahan. Tapos ako'y susunduin ko si Carrie. Baka gusto rin niyang maligo."
For sure hindi, mas prefer ni Carrie ang swimming pool kaysa ilog or dagat. Takot iyon na umapak sa bato-bato o buhangin, lalo na kung hindi niya kita ang ilalim. Pero hindi ko na lang sinabi. Mas mabuting sa kakambal ko na niya malaman pa.
"Gov, pwedeng mag-picnic sa ilog. Itawag ko na po ba kina Manang para may food?"
"Sure!"
"Naku! Masarap siguro kung may lechon---"
"Go, mag-order ka," putol ni governor sa sinasabi nito. Napangiti naman si Sassy na agad humugot ng cellphone niya. May tinawagan ito, nagtanong kung may available na lechon.
Naging abala sila habang ako'y abala rin naman. Abalang kumain ng mga prutas na nasa basket ko.
9 am, naglalakad na kami nila Sassy patungo sa ilog. Malayo iyon, pero kaya ko namang lumakad. Pero habang naglalakad kami ay parang na kwento na ni Sassy ang mga bagay-bagay na wala namang connection sa akin.
"Iyong magkakaibigan na gobernador, señiorita, ay may mga ganitong hacienda. Malalawak ang sakop nilang lupa---"
"Nakurakot nila?" painosenteng tanong ko.
"Si señiorita pala'y palabiro. Hindi po, ah! Mayayaman po ang mga gobernador na tinutukoy ko. Walang bahid ng corruption. Lalo na si Governor Rusco Claverra. Siya po ang owner ng Claverra Corp."
Hindi ako familiar sa mga gano'n, kahit pa ang binanggit nitong Claverra Corp. Kaya patango-tango lang ako. "Nakikinig ka ba sa akin, señiorita? Interested ka ba sa mga chika ko?" napahinto ako, tinignan ito.
"Sorry, be! Hindi kasi ako interested---"
"Salbahe ka, Señiorita!" ani nito na ikinatawa ko nang malakas.
Wala si governor, sinundo si Carrie. Baka hindi rin sumunod iyon dahil tiyak ko talagang hindi gugustuhin ni Carrie ang ilog na pupuntahan namin ngayon.
"Saan ka ba interested na topic para naman hindi ka patango-tango lang?"
Napaisip ako. Pero wala akong maisip na isagot dito.
"Wala eh, wala akong maisip."
"Ganito na lang, señiorita, bakit hindi mo tinahak ang daang tinatahak ng kakambal mo?"
"Nice question iyan, Sassy. Pero later na sagutin pagdating natin doon."
Ilang minuto na lang naman.
Pagdating ng ilog ay napapalakpak pa ako sa bumungad sa akin. Sobrang linaw ng tubig.
"Wow! Paraiso!" ani ko.
"Maligo ka, señiorita?"
"Yes! Yes! Gusto kong maligo," hinubad ko agad ang sandals ko, ipinasa ko rin rito ang basket. Saka ako dali-daling naghubad ng saplot. Iniwan lang ang bra at panty ko. Puro naman kami babae kaya okay lang iyon.
"Grabe! Sana all, seksi!" ani ni Sassy. Nakamasid ito sa katawan ko.
"Tara, Sassy! Samahan mo akong maligo."
"Sige po, pero hindi ako magpa-panty. Baka makita po ang wild forest!" gets ko agad iyon. Kaya tumango-tango ako. Nang lumusong ako sa ilog ay napatili pa. Sobrang lamig ng tubig.
Lumusong na rin si Sassy at ang ilan sa kasambahay. Iyong mga gamit namin ay sa kubo na inilagay.
"Señiorita, sagutin mo na ang tanong ko," udyok ni Sassy pagkatapos kong lumangoy at tumabi rito. "Parehong-pareho kayo ng face ni Señiorita Carrie, pati yata sa katawan. Bakit hindi ka mag-artista katulad niya?"
"Hindi ko kasi forte iyon, kung si Carrie ay sanay sa maraming tao. Mag-perform sa harap nila... ako hindi. Ako iyong tipo ng tao na hanggang backstage lang. Wala akong lakas ng loob na katulad ng mayroon sa kapatid ko. Ako iyong klase ng tao na masaya nang papalakpak para sa kapatid ko, kaysa samahan siya sa entablado."
"For sure may reason ka po about d'yan?"
"Hhmm, wala naman. Sadyang magkaiba lang kami ng personality ni Carrie. I hate crowds. Hindi ko kayang makipagsiksikan sa crowd. Hindi ko kayang ngumiti at ipakita sa mga tao ang side ko na dapat palaging okay."
"Maganda ang boses ni Señiorita Carrie, ikaw po?" ani nito sa akin.
"I can sing naman. Pero hindi kasing galing ni Carrie."
"Ay! Grabe ang vocals ng kakambal mo po, Señiorita Garrie. Birit kung birit din si Miss Carrie. Kaya hindi kataka-taka na siya ang nakakuha ng award na iyon. Best singer. Nakaka-amaze. Kinikilabutan ako kapag bumibirit siya, para namang hinahaplos ang puso ko kapag kalmado siya sa pagkanta. Parang anghel na dinuduyan ka... grabeng talent, señiorita. Mapapasana all ka na lang. Lahat na ibinigay kay Miss Carrie. Ganda, boses, katawan, tapos isama pa si gov."
Napahagikhik ang babae na parang kilig na kilig. "Sassy, matino bang lalaki si gov? You know... kakambal ko ang girlfriend niya. Curious ako sa estado niya bilang lalaki." Humarap ito sa akin. Tinitigan niya pa akong mabuti.
"Wala ka pong dapat alalahanin kay Governor Rusco, señiorita. Loyal po si governor kay Miss Carrie. Kahit pa secret lang ang relationship nila ay makakaasa kang walang ibang babae ang gobernador. 100% ang loyalty niya kay Miss Carrie. Mahal na mahal niya ang kakambal mo, Señiorita Garrie," napabuntonghininga ako't tumango-tango.
"Walang ibang babae? Anak sa labas?"
"Wala po, señiorita. Matagal na po akong kasama ni governor. Napalaki po iyan nang maayos. Saka sa sobrang ganda ni Miss Carrie, perfect match na sila. Hindi na iyon maghahanap pa ng iba."
"Mabuti naman. Kasi kung maghanap siya ng iba... babasagin ko ang itlog niya."
Malakas ang naging tawa ng mga kasama namin ni Sassy. Kahit si Sassy ay tawang-tawa rin.
"Huwag naman, Seniorita! Baka hindi na mapakinabangan pa. Magandang lahi ang tiyak pa namang magpro-provide niya sa mundong ito."
"Kahit gwapo or pangit, kapag niloko ang kapatid ko... mambabasag talaga ako ng itlog."
"Itlog?" pare-pareho kaming napalingon sa nagsalita. Kararating ni Governor Rusco at Carrie. Sakay sila ng golf cart.
"Itlog..." slow motion kong ani. "As in... egg."
Nagbungisngisan ang mga kakwentuhan ko dahil sa excuse ko. "Nag-uusap po kami kung paano bumasag ng egg, gov!" ani ni Sassy. Nang tignan ko ito ay napatingin din ito sa akin at ngumisi. At least back-up ko si Sassy sa excuse ko na iyon.
Naunang bumaba si governor, si Carrie naman ay naghintay na makaikot ang lalaki. Nagpaalalay ito sa pagbaba.
"Carrie, Tara!" ani ko. Agad naman itong umiling.
"No, Garrie. Ayaw kong maligo. Dito lang kami ni Rusco." Itinuro nito ang kubo. Lumakad sila patungo roon kaya naman inalis ko na ang tingin ko sa kanila.
"Ma'am, gwapo ang boyfriend ng kakambal mo. Dapat ganyan din kagwapo kay gov ang mabingwit mo, ha!" bulong ni Sassy sa akin. Nagkibitbalikat lang ako. Hindi ko pa naman naiisip ang mga ganyan.
"Señiorita Garrie, maganda siguro ang lahi ninyo. May mga single ka bang pinsan?" ani ng isang kasambahay.
"Marami akong single na pinsan. Pero kung ayaw ninyong mawasak ang mga puso at puday ninyo ay huwag n'yo nang sabihin na ipakilala ko kayo sa kanila." Ang lakas ng mga tawa nila. Totoo naman kasi. Mga playboy ang mga pinsan ko. Hindi safe ang mga ito sa kanila. Paiiyakin lang sila.
"Paano kung magpapalahi lang, ma'am?"
"Aba'y kung tingin ninyo sa sarili ninyo ay inahing baboy ay go lang! Maganda talaga ang lahi namin. Pero ewan ko lang kung after ninyong magpalahi ay okay pa ang mental health ninyo, ladies! Remember, hindi kayo dapat bumase sa mukha at isantabi ang ugali."
"Ay! Akala ko po'y dapat first priority ang looks bago attitude---"
"Oh, Sige! Unahin n'yo ang looks, tapos kapag kumakalam na ang sikmura ninyo, bugbog sarado na kayo, hayaan n'yo lang kasi gwapo naman ang napili ninyo." Nagtawanan na naman ang mga ito. "Anong pipiliin ninyo, pangit pero busog sa pagmamahal at pag-aalaga, o gwapo na basura ang ugali?"
"Doon pa rin ako sa gwapo, ma'am. Pangit din naman po ang ugali ko," natapik ko ang noo ko sa sagot nito. Kaloka!
"Señiorita Garrie, pwede naman po kasing gwapo na mapagmahal at maalaga," ani naman ni Sassy sa akin.
"Saka po kahit pangit ngayon ay malakas na ang loob na manakit ng babae. Kaya naman tama lang na gwapo pa rin ang piliin."
"Gwapo or pangit... tignan n'yo pa rin ang ugali mga ate! Huwag kayong pasaway!"
"Hays! Sana lang maraming ginawa si Lord na katulad kay Governor Rusco. Gwapo na, mabait pa. Ganyang lalaki lagi kong pinagdadasal. Hindi pa yata narinig ni Lord, baka iyong prayer ni Miss Carrie ang unang narinig," at tinignan nilang lahat ang dalawa na may halong ingit. Ako? Lumangoy na lang.
Pero hindi pa rin naiwasang tignan ang mga ito. Sweet na nagkwekwentuhan. May pahaplos-haplos pa si Carrie sa braso ng lalaki. Bagay sila, sana lang talaga'y mabait ito. Ayaw ko naman siyempreng mambasag ng itlog.