Chapter Seven
Dumating ang pagkain namin, ini-arrange iyon ng ilang kasambahay na pang boodle fight. Kami nila Sassy ay tuloy pa rin sa paglangoy.
"Carrie," tawag ko sa kapatid. Agad naman itong lumingon sa akin. "Towel, please!" aahon na ako dahil mukhang kakain na kami. Tinignan lang ako ni Carrie. "Carrie!" ulit kong tawag dito.
"Umahon ka na d'yan, 'bal. Tinatamad akong tumayo. Ikaw na ang kumuha rito."
As expected naman, kaya umahon na ako. Pero mabilis si Governor Rusco. Ito ang kumuha ng towel at iniabot sa akin.
Bukod kasi rito ay may iba pang lalaking tauhan na kasamang naghatid ng pagkain. Agad kong ibinalot iyon sa sarili ko, pero habang abala ako ay tumalikod si governor. Saka ito nanatiling nakatayo para harangan ako.
"Thanks, gov," mahinang ani ko.
Lumakad ako patungo sa kubo at dinampot ang shirt ko roon. Saka ko iyon sinuot kaya napailalin ang towel, nang naisuot ko na ay saka ko na lang in-adjust.
"Bakit lumusong ka kaagad, Garrie?" pabulong na tanong ni Carrie sa akin. "Hindi mo ba naisip na baka marumi ang tubig at ma-damage ang skin mo?" alam kong hindi iyon concern. "Paano na lang kung katihin ka d'yan at masira ang balat mo? Alam mo naman na hindi iyon pwedeng mangyari, right? May mga kontrata na pinirmahan at hindi pwedeng sira ang kutis---"
"Carrie," seryosong ani ko rito. Natigilan ito sa naging tono ko at parang natauhan.
"Nag-enjoy ka ba sa paglangoy?" ani nito sa akin. Tumango naman ako.
"Yes. Ang sarap ng tubig. Malamig pero nakaka-relax."
"Kunin mo iyong extrang skincare sa kwarto ko later. Baka mamaya---"
"I'm fine, Carrie."
"Girls, let's eat!" excited na yaya ni Governor Rusco sa amin. Unang tumayo si Carrie at lumapit sa kanyang nobyo. Ako naman ay tumayo na rin at tumabi naman kay Sassy. Nagsimula kaming kumain. Mabilis akong nakasabay sa gana ng mga kasama namin, habang si Carrie ay halos hindi makakain dahil hindi marunong magkamay. Pero go with flow pa rin ito dahil katabi ang kasintahan na masayang nagtuturo rito kung paano ang gagawin niya.
Hays, kilalang-kilala ko talaga ang kapatid ko. For sure nagpapa-impress lang ito at nakikisabay. Pero deep inside... hindi ganito ang mga trip niya. In love nga talaga. Willing mag-adjust para sa lalaking mahal.
Nai-imagine ko na naman ang mga rants nito later.
"Garrie, mamantika iyan," akma pa lang akong kukuha ng lechon nang pigilan ako ni Carrie. Napatingin ako sa matabang parte ng lechon na nagmamantika, saka ako tumingin sa kanya.
"Konti lang?" ani ko't humirit pa talaga.
"No, Garrie," nanulis ang nguso ko na tinitigan ang parteng kukunin ko sana.
Dahil pinagbawalan nito sa alam ko namang dahilan ay namili na lang ako ng ibang pagkain. Pero hindi ko naiwasang sulyap-sulyapan ang lechon na nasa harap ko lang naman.
Next time na nga lang, nawalan din ako ng gana lalo't hindi ko makain ang gusto kong kainin.
Hindi pa tapos ang iba'y bumalik na ako sa pagligo. Wala pang 30 minutes na nakababad sa tubig ay may lumusong na rin at nang lingunin ko ay nakita ko si Governor Rusco. May dala itong plato. Agad kong sinilip si Carrie. Nakita ko itong nakahiga na sa papag sa kubo at mukhang natutulog ito.
"Tulog siya. Nakita kong kaunti lang ang nakain mo. Here," sabay abot ng plato sa akin. Nang sulyapan ko ang mga kasambahay ay sumenyas din sila sa akin na wari'y approve sa kanila ang pagkain ko ulit.
"B-aka naman may magsumbong. Concern lang naman ang kakambal ko sa akin---"
"Hindi araw-araw may lechon, Garrie. Kainin mo ang gusto mong kainin... minsan lang naman at hindi mo ikabubulagta dahil sa isang beses na pagkain mo n'yan."
Napansin kong lumapit si Sassy.
"Gov, tubig ni señiorita."
Tinanggap iyon ni governor kaya dalawa na ang hawak nito. Ako naman ay lumangoy patungo sa batuhan, may malapad kasing bato roon na pwedeng pwestuhan.
"Dito na lang ako kakain, gov. T-apos lookout ka. Baka magising si Carrie," napabungisngis na tumango ito saka ipinatong sa bato ang basong may lamang tubig at ang plato naman ay iniabot nito sa akin. Ipinatong ko iyon sa bato at nagsimula akong kumain.
Nakamasid lang ito, habang nakalubog ang katawan sa tubig.
Napapapikit pa ako sa bawat kagat sa malutong na balat ng lechon, saka sa manipis na taba na nagme-melt sa bibig ko.
"Damn! It's so good, Governor Rusco!" ani ko, malawak pang napangiti rito. "Promise, minsan lang ito! Minsan lang!" saka muling kumagat ng balat. Iyong kanin sa plato ay agad kong nakalahati.
Si Sassy na sumunod sa pwesto namin ay naglapag ng slice pineapple, para raw sa akin.
"Understandable namang strict si Miss Carrie pagdating sa food. Disiplinado kaya body goals talaga," komento ni Sassy.
"May healthy lifestyle ang isang iyon---"
"At ikaw wala, seniorita?" curious na ani ni Sassy.
"Nadamay na lang, Sassy. Kung ano ang food na kinakain niya, gano'n na rin ang akin. Minsan lang makapag-cheat day kapag wala siya. Secret lang iyon, ha!" ani ko sabay baling kay governor. "Huwag mong sasabihin sa kakambal ko na may cheat day ako. Minsan lang naman, promise!"
"Just eat, Garrie. Wala akong sasabihin. Mukha ka namang healthy at disiplinado rin sa sarili."
Hays! Kung alam lang nito, hindi ako ang dumidisiplina sa sarili ko. Kung 'di iyong mga tao sa paligid ko.
Si gawin mo ito, si gawin mo iyan. Huwag iyan, huwag ito. Minsan gusto ko na lang magreklamo dahil kontrolado nila ang buhay ko. Pero naalala ko... buhay ako dahil sa kakambal ko at sa magulang ko. Utang ko sa kanila ang buhay ko kaya maliit na sakripisyo lang naman ang pagsunod sa kanila.
Mahal na mahal ko lang talaga at malaki ang utang na loob ko. Kaya ko pa naman.
"Señiorita, ikuha pa kita?" alok ni Sassy. Kaunti na lang kasi ang natira.
"Ah, pwede pa ba? Saka banana rin."
"Kukuha ako," agad na kumilos si Sassy at naiwan na naman kami ni Governor Rusco.
"Governor, samahan mo si Carrie sa kubo. Bukas ng hapon ay uwi na kami. Sulitin ninyo ang time ninyong dalawa."
"Tulog siya, Garrie. Saka time na rin niya para makapagpahinga naman. Alam ko kung gaano ka-hectic ang schedule niya. Nauunawaan ko rin naman. Saka ayaw mo ba akong maligo?"
"Hindi naman sa gano'n... pero sabagay. Kailangan mo na ngang maligo. Parang ang baho mo---"
"Kung gaano kabait ang kakambal mo, gano'n ka kasalbaheng babae ka!" reklamo ng lalaki. Tinawanan ko lang ito. Nagbibiro lang naman ako.
Pagbalik ni Sassy ay dala na nito ang lechon at saging. Una kong pinagkaabalahan ang saging at isinubo iyon. Nabitin ako sa pagkagat dahil huling-huli kong nakatitig ito sa akin, bahagyang awang ang labi. Kaya sinadya kong ipakita kung gaano kariin ang pagkagat ko na ikinaputla agad ito at iwas ng tingin.
Nakita ko pang namula ang pisngi, pero para itago iyon ay lumangoy na ito.
"Magpakabusog ka, señiorita. Baka mamaya ay damo ang dinner n'yo."
"D-amo?" ani ko na agad napangiwi.
"Yup, narinig ko si Miss Carrie kanina. Iyon ang request niya na food para sa dinner ninyong dalawa. Salad daw. Kaya damihan mo na ang kain, señiorita."
"Sige. Pero pwede bang Miss Garrie na lang din ang itawag mo sa akin at hindi señiorita. Hindi naman kasi ako señiorita. Saka mas gustong miss na lang or Garrie na lang ang itawag sa akin."
"Okay po, Miss Garrie."
"Thank you, Sassy," naubos ko na ang food. As in, ubos! Nagpakabusog na ako dahil tiyak hirap na naman akong ngumuya ng damo later. Si Sassy na rin ang nagligpit nang kinainan ko. Habang ako'y sumandal na muna sa bato dahil sa kabusugan. Ang paa'y nakalaylay sa tubig, nang bigla na lang may humawak doon ay napatili ako sa gulat.
Malakas ang naging tawa ng gobernador dahil sa naging reaction.
"Gago ka, gov! Parang nahulog ang puso ko sa gulat!" sinabuyan ko pa ito ng tubig.
"Nagago ka tuloy, gov," aliw na ani ni Sassy. Hindi na lang pala kami ang naliligo. Bumalik na rin sa pagligo ang mga kasama namin.
Napasapo ako sa dibdib dahil ramdam ko pa rin ang kaba sa panggugulat nito.
Nang titigan ko ang lalaki ay ngumiti ito sa akin. Ngiting aliw na aliw. Aba! Mukhang trip akong pag-trip-an. Takot siguro na gawin iyon kay Carrie, kaya ako ang pinagdidiskitahan?